Chapter 5

2.1K 33 1
                                    

FIVE
— — —

For the past couple of days, patuloy ako sa paggawa ng mga excuses kung bakit sobrang aga ko pumapasok para lang 'di ko makasabay si Alron. Hindi naman hassle para sa 'kin since morning person naman ako. Mabuti na lang at naniniwala ang mga Arcilla sa mga palusot ko at hindi na nagtataka pa.

Medyo naging malapit na rin ang loob ko sa kanila, except Alron of course. His family welcomed me with me open arms, lalo na sila Tita at Mama, hanggang sa unti-unti nang nawala ang pagkailang ko sa kanila. They were very persistent on getting to know me. Lagi nila akong kinakausap kapag may pagkakataon, lalo na sa harap ng hapag-kainan.

"Hi, Ma!" Bati ko nang bumungad ang mukha niya sa screen ng laptop ko. "Kamusta na kayo?"

"We're fine, anak." Sagot ni Mama. "Ikaw? Kamusta ka d'yan? Are they treating you well?"

"Okay lang din po ako," I said. "And they're very good to me, Ma."

"That's good to hear," ngumiti siya. "I'm glad to know that you are getting along with your future in-laws."

Ngumiti lang ako pabalik. Masaya na nga na kagaya ng mga Arcilla ang magiging future in-laws ko... masaya na nga sana kung maayos lang ang pakikitungo sa 'kin ng panganay nila.

"Kailan kayo babalik, Ma?" I changed the topic. Gustong-gusto ko nang umuwi at humiga ulit sa sarili kong kama. Mahirap din kaya makipagpatintero sa isang tao, lalo na't ako pa ang naga-adjust para sa kaniya. Palagi akong maagang pumapasok at late umuuwi para hindi talaga kami magkikita maliban nga lang tuwing kakain ng hapunan. Hindi pumapayag si Tita ng hindi kami kumpleto sa dining table kapag hapunan na. According to her, hindi na nga kami nagkakasama sa umaga at tanghali, pati ba naman sa dinner? And for her, eating together is counted as bonding time with her family.

"Tatlong araw pa, Lou." Ani Mama. "Sa Sunday pa ang balik namin ng Papa mo."

"Okay," ngumuso ako.

"Bakit?" Kumunot ang noo ni Mama. "Ayaw mo na ba d'yan? Akala ko ba ay maayos naman ang pagtrato nila sa iyo?"

"It's not because of that, Ma." Sagot ko. "It's just..." I want to stay away from my fiancé as much as possible.

"Miss you and Papa so much." Pagtapos ko.

"We miss you, too, anak." Malungkot na ngumiti si Mama. "Don't worry, bibilan ka namin ng Papa mo ng pasalubong."

"Your fiancé," aniya. "Kamusta kayong dalawa? Do you two get along with each other?"

No. "We're fine, Ma. Alron is... great." Sa kabaligtaran.

"He's indeed an outstanding young man," kumento ni Mama. "He's doing very well in school while attending his training in their company at the same time."

Nabigla ako sa narinig ko. Kakaiba talaga ang lalaking 'yon. Nagt-training na siya para sa pagtake over niya sa company nila at his age? And he does that while maintaining high grades in school? Aba, masipag.

"I'm glad that your Papa chose well," ngumisi si Mama. "He's the kind of man you should fall for." If only you knew, Mama.

Maga-alas dies na ng gabi nang matapos ang pag-uusap namin ni Mama. Ibinalik ko ang aking laptop sa desk. Matapos no'n ay humiga muli ako sa kama at inabot ang phone ko. Binuksan ko ito at nakita ang mga message ng mga kaibigan ko sa group chat namin.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon