Chapter 2

3.3K 46 0
                                    

TWO
— — —

To say that I was surprised would be an understatement.

Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin habang inaayos sa isang half ponytail ang mahaba kong buhok. Pinasadahan ko ng tingin ang aking suot na isang simpleng puting short sleeved floral dress.

It was a day after one of the greatest what-the-fudge moments in my life. Kasalukuyan akong gumagayak para sa isang dinner kasama ang pamilya ni Alron. Hindi ko maiwasang isipin ang pangyayari kagabi at kung paano ko muntikang mapahiya ang aking sarili sa harap ng aking pamilya at mga bisita.

"What the hell?"

Tumaas ang isang kilay ni Alron at nakita kong naiirita na siya. Sumenyas muli siya sa kaniyang kamay.

"Hurry up," palihim niyang angil habang bahagyang nakangiti sa 'kin. Hindi mahahalata ng iba na peke ang kaniyang ngiti, maliban sa akin na nasa harapan niya.

Wala sa sarili kong inabot ang kaniyang kamay at hinila niya ako papalapit sa kaniyang katawan. Ipinatong niya ang kaliwang kamay ko sa kaniyang kanang balikat. While his free hand made its way to my waist. I can feel the heat rise from my cheeks. What the fudge is happening?

Alron started to sway side by side at sumunod naman ako sa mga kilos niya habang tinititigan siya. I can't believe what's happening right now... sa dinami-dami talaga ng lalaki sa Pilipinas, siya pa talaga? Now I regret not asking my parents for any idea on who he is. Hindi ako prepared sa nangyayari ngayon!

"Ouch!"

Bumalik ako sa aking sarili nang marinig ang daing ni Alron. His face is crunched up in pain. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kong naapakan ko siya habang nagsasayaw kami.

Bigla akong nataranta.

"I'm so sorry," mabilis kong sinabi. "Hindi ko sinasadya..."

Masama niya akong tinignan. "Focus. Mapapahiya ka d'yan sa ginagawa mo."

"I'm sorry," bulong ko. Ano ba yan, wala ka na ba ibang masasabi? Go back to your senses, Heloise!

Nang matapos ang kanta ay nagpalakpakan ang mga bisita at narinig ko pa ang tili ni Avy.

"Bestfriend ko 'yan!"

Sana lamunin na lang ako ng lupa, please...

Inaalalayan ako ni Alron papaakyat sa hagdan mula sa dance floor nang matapakan ko ang dulo ng aking gown. Napapikit ako habang hinihintay ko ang aking sarili na magface-plant sa sahig pero hindi ito nangyari. Iminulat ko ang aking mga mata at nakitang may ilang dipa na lang ang layo ko mula sa isang step ng hagdan at may brasong nakapalupot sa aking baywang.

Nilingon ko ito bago tumingala kay Alron na kunot-noong nakatitig sa 'kin. I can't help but stare back at his brown eyes. Ngayon ko lang siya nakita nang ganito kalapit at hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari sa akin ito.

"Ayieee!" Narinig ko ang tinig ng ilan sa mga bisita.

Bumalikwas ako mula sa kaniyang hawak at tumayo ng tuwid. Dumiretso ako ng tingin at nagmadaling inakyat ang natitirang hakbang at umupo sa puting sofa.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now