Chapter 21

1.7K 31 0
                                    

TWENTY-ONE
— — —

"Congrats sa atin, sis!" Sinalubong ako ng yakap ni Avy.

"Congrats!" Bati ko pabalik sa kaniya.

"Picture tayo!" Lumingon siya sa likod at sumenyas. "Ma, picturan mo kami!"

"Congratulations, hija." Ani ng nanay ni Avy nang makalapit sila sa amin.

"Thank you po, tita." Ngumiti ako sa kaniya.

Bumati rin ang tatay ni Avy na kasunod lang ng kaniyang ina. Umayos kami ng tayo ni Avy at ngumiti para sa camera. Kinuhanan kami ng ilang shots ni Tita bago nilabas ni Avy ang kaniyang phone at doon naman kami nagselfie.

"Giaaa!" Malakas na tawag ni Avy nang makita niya ang aming kaibigan. "Picture tayo bilis!"

Mabilis na naglakad papunta sa amin si Gia at muli kaming kinuhanan ng litrato. Ako ang nasa gitna habang nasa magkabilang gilid ko naman sina Avy at Gia.

"Congrats," saka pa lang kami binati ni Gia nang matapos ang picture taking.

"I can't believe it, college na tayo." Naluluhang sabi ni Avy. "Hoy, keep in touch pa rin ah. Kapag hindi niyo ako pinansin pag nagkita tayo, babatukan ko kayo!"

"Of course," ngumuso ako sa kaniya. "Meet up na lang tayo kung may time."

"Louise," narinig kong tinawag ako ni Mama. "Halika rito."

I excused myself from my friends and went to where my adopted parents were. Nakita kong kasama pala nila ang pamilya ni Alron.

"Future daughter-in-law!" Masiglang ani ni Tita Agnes. Natigilan ako sa sinabi niya. Nanlalaki ang mga mata ko hanggang sa makalapit siya at nakipagbeso sa akin.

"Congratulations!" Ani ni Tito mula sa likuran ng kaniyang asawa.

"Thank you po."

Humiwalay sa akin si Tita at sumunod naman si Mama Crizalde na niyakap ako. She also congratulated me. Gano'n din ang ginawa ng bunso ng mga Arcilla.

Nasagip ng aking paningin ang lalaking hindi umaalis sa kaniyang kinatatayuan. Sinalubong ni Alron ang aking tingin. Napako ako sa aking pwesto at pinanood siyang maglakad papunta sa akin.

I have come into terms with my feelings for him since that day in their residence. I have accepted the fact that I have fallen in love with someone who already has somebody else in their heart. How pitiful of me.

"Congratulations," ngumiti siya sa akin and to my surprise, he enclosed me in his arms.

"Congrats din sa iyo..." I croaked out. Hindi ako makapaniwalang niyakap niya ako in public.

Alron pulled away and surprised me once again by reaching over to caress my hair. Madalas niya itong ginagawa nowadays.

"Why do you keep on doing that?"

Tumigil si Alron sa ginagawa niya nang magsalita ako pero kalaunan ay bahagya siyang natawa. Nanatili siyang walang imik at nakatuon sa akin ang pansin.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now