Chapter 27

2.1K 39 0
                                    

TWENTY-SEVEN
— — —

Nang makauwi ako, hindi ko na napigilan ang sarili ko. I gave in to the temptation and opened my laptop. I typed Alron's name on the search bar at pinindot ko ang isang video kung saan tinatadtad siya ng mga tanong ng paparazzi habang nasa red carpet ng isang corportate event.

"Are you currently in a relationship, sir?" Tanong ng isang interviewer.

Tumawa si Alron. "I'm engaged."

"Who's the lucky girl?" Usisa ng reporter.

Ngumisi lamang si Alron bago siya bahagyang tumango at iniwan ang mga nagtatanong sa kaniya. Sinundan siya ng camera hanggang sa makapasok siya sa loob ng venue.

He looks different yet the same as the Alron I knew.

Alron looked more mature and manly compared to the last time I saw him. He now had muscles on the right places at mas lalo siyang naging gwapo. Pero ang hindi nagbago ay ang kaniyang malamig na pakikitungo sa iba. His eyes remained guarded while he was being interviewed and his face gave nothing away even though he's laughing.

I wonder kung sino yung fianceé niya...

Binasa ko ang iba't ibang mga article tungkol sa kung sino ang swerteng babaeng nakasungkit sa isa mga successful na eligible bachellors sa Pilipinas. Mahihirapan sila sa paghahanap dahil mukhang wala talagang balak si Alron at Kailyn na sabihin sa mundo ang relasyon nila. Bakit kaya?

Tumawag muna ako kay Mama para kamustahin ang lagay ni Papa bago ako naghanda para matulog. Ngunit natagpuan ko ang aking sarili na nakatingala sa ceiling at hindi man lang dinadalaw ng antok.

Hindi ko nanaman maalis sa isipan ko si Alron.

"What's next in our schedule, Ian?"

"Meeting po natin with the CEO of AEC, ma'am."

Natigilan ako sa pagbabasa ng mga papeles. Paano nawala sa isip ko ang tungkol sa meeting na 'yon? And worse, 'yon na pala ang susunod naming gagawin. Hindi ako prepared!

"Anong oras?" Kalmado kong tanong sa kaniya kahit na sa loob ay nagpapanic na ako.

"In ten minutes, ma'am."

"Sige, thank you." It was the sign for him to leave me alone. Tumango naman si Ian at naglakad papalapit sa pintuan.

Nang makalabas na siya, napabuntong-hininga ako at sumandal sa swivel chair ni Papa. How will I face him now, after I left him on his birthday eight years ago? Wait, si Alron na nga ba ang namamahala ng kumpanya nila o si Tito Mon pa rin? Bakit ba ako kinakabahan? Hindi ko naman siya iniwan in bad terms pero bakit kinakabahan ako sa kung sino ang maaari kong makaharap mamaya?

Tumayo ako at pumasok sa bathroom na konektado sa opisina ni Papa. Humarap ako sa salamin at kinuha ang lip balm mula sa pouch ka na lagayan ng mga toiletries. Inayos ko ang buhok ko at pinasadahan ng tingin ang suot kong damit. I must look and act like a professional pag humarap ako sa kanila. I should not include personal matters when it comes to business. Nothing good ever comes out of it. Humugot ako ng hininga at tinitigan ang sarili ko sa salamin.

"You can do this, Louise." Bulong ko sa sarili ko. It's been eight years, sigurado naman na nakalimutan na ni Alron ang mga nangyari noon. Just remain calm and don't lose your composure.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now