Chapter 24

1.8K 37 0
                                    

TWENTY-FOUR
— — —

Pinaglaruan ko sa aking mga daliri ang singsing habang hinihintay na dumating ang aking mga magulang dito sa kanilang opisina sa bahay.

It has been five days since the last time I was with Alron. Five days since that night and three days since I saw the one thing that made me finalize my decision.

"Kuya, pakiparada po malapit sa coffee shop na 'yon."

Pupunta dapat ako sa mall para dumaan sa bookstore at bumili ng mga librong gagamitin ko bilang pampalipas ng oras. Nasa daan kami nang namataan ko ang isang pamilyar na sasakyan. Ang Mercedes ni Alron.

May pasok siya ngayon at hindi pa naman lunch break kaya ano ang ginagawa niya roon? I wanted to leave him be but curiosity got the best of me. Gusto kong malaman kung totoo ba ang hinala ko sa kung sino ang kasama niya sa loob.

Sinunod naman ako ng driver namin at ipinarada ang sasakyan ilang metro ang layo mula sa sasakyan ni Alron. Humugot ako ng hininga bago determinadong lumabas ng sasakyan at tumungo sa coffee shop.

Papasok na sana ako sa loob nang agad ko silang makita.

I stopped on my tracks and my hand hovered over the door handle. Umatras ako at nagtago sa malapit na puno at doon sila pinanood. Hindi ko yata kakayaning pumasok sa loob ng coffee shop. Hindi pa ako handa na konprontahin ako ng babaeng iyon. Ayoko pang ipamukha nila sa akin ang katotohanan, ang totoong realidad ng sitwasyon namin.

Once I step into that coffee shop, it solidifies the fact that Alron was never mine to begin with.

Masayang nag-uusap sa isang pangdalawahang lamesa sila Alron at Kailyn. Judging by their drinks, mukhang matagal na silang magkasama sa coffee shop.

All this time... they were in contact with each other. Matapos ang lahat ng nangyari, nagkikita pa rin sila.

"This year is full of hardships... marami akong pagkukulang sa kaniya,"

"But regardless of what happened, she stayed with me. Even when everyone turned their back against me, hindi niya ako iniwan kahit siya dapat ang unang taong gumawa no'n."

Siya nga ang tinutukoy ni Alron.

An ugly feeling spread through me. Even though Kailyn broke his trust and cheated on him with another man, nakuha pa rin siyang patawarin ni Alron. Alron, who values trust more than any other. I can't help but feel bitter at that fact. He really does love her, huh?

Kailyn was talking animatedly while Alron listened to her without his smile leaving his lips. The look on his face, it was different from the ones he used to have when he's with me. At the sight of his smile and the look in his eyes, my heart got trampled once again.

Durog na nga ang puso ko dahil sa sinabi niya, lalo pang nadurog ang mga pira-piraso dahil sa nakikita ko ngayon. Alam kong kasalanan ko. Hindi ko sana sila makikita kung hindi ako ang nagpumilit na bumaba rito. But I wanted to see them together. Para mawala na sa isip ko ang ilusyon na ako ang babaeng tinutukoy ni Alron. Para matanggap ko na kahit anong gawin ko, si Kailyn pa rin ang mahal niya. Sa ganitong paraan, mas madali ko siyang mapapakawalan.

Why is it so hard to let go of someone who's not even yours in the first place?

I love Alron. Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya, iintindihin ko ang sitwasyon namin at kung ano ang gusto niya. At iyon ay ang maging sila ulit ni Kailyn. Pero bago mangyari 'yon, kailangan munang mawala ang balakid sa pagbabalikan nila: ako.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now