Chapter 4

2.1K 38 2
                                    

FOUR
— — —

The following day, maaga akong gumising at gumayak para mauna akong pumasok kay Alron. I don't want to end up in an awkward tension with him in his car again.

Bumaba ako sa dining room na dala ang aking backpack. Naabutan kong kumakain ng almusal ang mga magulang ni Alron.

"Good morning, Louise!" Masayang bati ni Tita.

"Good morning po," ngumiti ako.

Sumenyas siya sa upuan sa tapat niya. Umupo ako rito at pinasalamatan ang kasambahay na naglapag ng plato sa aking harap.

"How was your sleep?" Tanong ni Tita.

"It was fine po, Tita."

"Ang aga mo palang pumapasok," Tito commented. "Daig mo pa si Alron na kulang na lang ay tuluyang ma-late sa klase."

"Nagbabasa po kasi ako ng mga lessons pagpasok sa umaga," sagot ko. "Saka kaunti pa lang po ang tao sa classroom ng ganitong oras kaya po tahimik pa."

"Pagpasensiyahan mo na si Alron," sabi ni Tita at sumimsim ng kaniyang kape. "Hindi kasi siya morning person pero gising na 'yon. Pinagising ko siya kaninang 5:40."

"Okay lang po sa 'kin na mauna po akong pumasok sa kaniya," sabi ko. "Nakakahiya naman po kasi... siya pa po ang maga-adjust." Pero ang totoo ay ayaw ko lang talaga siyang makasabay.

"Ayos lang 'yon, hija." Natawa si Tito. "Para ma-impluwensiyahan mo siya at maaga na rin siyang pumasok sa school."

"Morning," narinig ko ang malamig na boses ni Alron.

Pare-pareho kaming lumingon sa kaniya. Umupo siya sa tabi ni Tita at pupungas-pungas habang sumasandok ng kanin.

I stared at him in amusement. Hindi nga talaga siya morning person. Halatang-halata sa itsura niya na gusto pa niyang bumalik sa kama. Puyat na puyat lang?

"Good morning, anak." Tita smiled at him. "Himala yata at pumayag kang magpagising ng maaga."

Tita smirked, as if she was teasing him.

Tumingin sa akin si Alron at umirap.

Ngumisi ako at binaling muli ang atensyon sa pagkain. Umagang-umaga, nakasimangot agad. Mukhang hindi 'good' ang morning niya. Lalo akong napangisi.

Habang nag-aalmusal ay nanatiling tahimik at nakasimangot si Alron. Pagkatapos kumain ay sinundan ko siya papalabas ng kanilang mansyon. In-unlock niya ang kaniyang sasakyan at tumungo sa driver's seat. Pumasok naman ako sa passenger's seat at inayos ang aking seatbelt.

Tahimik muli ang biyahe namin papunta sa campus. Nakamasid ako sa bintana at pinapanood ang mga nadadaanan namin. Nang malapit na kami sa kanto malapit sa campus namin ay bigla niyang inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Nagtataka akong lumingon sa kaniya. "Bakit? Ano meron? Malapit na tayo, ah?"

He glared at me. "Baba."

"What?"

"Bumaba ka."

"Paglalakarin mo 'ko?" Napapantastikuhan kong tanong.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now