Chapter 17

1.8K 28 0
                                    

SEVENTEEN
— — —

I happily walked along in front of my mother. Unang beses kong makapunta sa isang theme park. Nagpunta kami ngayon dito kahit hindi ko naman birthday, pero masaya pa rin ako dahil nakita ko na sa personal ang mga rides na sa TV ko lang nakikita.

"Ma, gusto kong sumakay 'don!" Tumingin ako sa kaniya sabay turo sa malapit na ferris wheel.

"Mamaya na, anak." Aniya at kinuha ang aking kamay. "Bibili na muna kita ng pagkain, ha? Dito ka lang. 'Wag kang aalis."

Dinala ako ni Mama malapit sa pilahan ng ferris wheel. "Dito ka lang. Bibili lang ng pagkain si Mama, okay?"

"Okay po." I beamed at her.

Tumango siya at yumuko para hagkan ako sa noo. Matapos no'n ay nagsimula na siyang maglakad papalayo nang hindi na muling lumingon pa sa akin.

Hindi ko alam kung ilang oras akong naghintay do'n. Naghintay ako hanggang sa tuluyang lumubog na ang araw at makasakay na ang lahat ng mga nakapila sa ferris wheel. Sa sobrang pangangalay ay napaupo na lamang ako sa sahig at pinanood ko habang dinaan-daanan lang ako ng mga tao. Hindi ko magawang umiyak dahil mayroon sa akin na niniwalang babalikan niya ako.

But Mama never returned.

Napabalikwas ako ng gising at ramdam ko ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. Ngayon ko lang muling napanaginipan ang pangyayaring 'yon, siguro ay dahil naalala ko siya kanina. Himala nga at natatandaan ko pa rin 'yon. I was five years old when she left me in the middle of a crowded amusmement park. I never saw her again ever since then.

I reached for my face and wiped away my tears. Tumingin ako sa alarm clock na nasa nightstand at nakitang malapit nang magalas-sinko ng umaga, ilang minuto na lang bago ang usual na oras ko ng gising kapag may pasok. Kaya naman bumangon na ako para gumayak.

Bukas na ang unang araw ng exams namin kaya naman dinala ko ang mga reviewer ko para sa mga subjects bukas dahil balak kong mag-aral sa vacant period namin.

Kumakain ako ng almusal kasama ang aking mga magulang nang humahangos na dumating ang isa sa mga kasambahay namin.

"Ma'am, may bisita po kayo."

"Sino?" Nag-angat ng tingin si Mama mula sa kaniyang pagkain.

Maski ako ay nagtatakang lumingon. Sino naman kaya ang pupunta rito ng ganitong kaaga?

"Yung fiancé po ni Ma'am Louise," she informed us. "Nando'n po siya at naghihintay sa sala."

Biglang tumayo si Mama. "Gano'n ba? Tara Louise, salubungin natin si Alron."

Hindi na lamang ako sumagot at uminom ng tubig bago ako sumunod sa kaniya papalabas ng dining room. Kagaya ng sabi ng kasambahay namin, naroon nga si Alron sa sala at nakatingin sa mga picture frames na nakalagay sa isang pahabang patungan sa ilalim ng telebisyon.

"Alron, hijo!" Sinalubong siya ng aking foster parent. "Pasensiya na at nasa dining room kami. Halika at sumabay ka sa 'min sa pagkain."

Nawala ang atensyon ni Alron sa mga litrato at bumaling kay Mama.

"Hindi na po," magalang niyang tugon. "Kumain na po ako sa amin. Nandito po ako para sunduin si Louise."

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now