Chapter 18

1.7K 33 2
                                    

EIGHTEEN
— — —

"Louise, wala pa ba yung sundo mo?"

Tumalikod ako nang marinig ko ang boses ni Avy. "Ah, wala pa. Hindi kasi ako nagpasundo ngayon."

"Magco-commute ka? Sabay na tayo," aniya at tumayo sa aking tabi.

"Mauna ka na," Ngumiti ako. "May hinihintay pa ako, e."

"Sino?" Nangunot ang noo ng aking kaibigan. "Si Gia?"

Marahan akong umiling. Ano kaya sasabihin niya kapag sinabi ko na pumayag ako sa kagustuhan ni Alron?

"Si Alron."

Bumakas ang pagkabigla sa kaniyang mukha. It seems like she wasn't expecting that answer at all.

"Close na kayo?" Tanong niya.

"Hindi naman sa gano'n..." I trailed off. "He asked me to be his friend, I guess."

"Friend? Hindi ba't fiancé mo siya?" Nalilitong ani Avy. Humalukipkip siya.

Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ang kaniyang bibig gamit ang aking kamay. "'Wag mong sabihin 'yon sa ganitong lugar!"

"Sorry naman," she held up her hands. "Pero sigurado ka ba d'yan sa gagawin mo?"

Tumango ako. "I want to help him with what he's going through right now."

"Bahala ka," she sighed. "Just... ingatan mo ang sarili mo, ha? 'Wag kang papatol kung ramdam mong yung ex pa rin niya ang laman ng puso niya."

"Bakit naman ako papatol...?" Sumimangot ako. "Kaibigan nga lang, e."

"Basta," she shrugged it off. "Mauna na 'ko. Ingat kayo."

Kumaway muna siya bago tuluyang maglakad papalayo.

Mga ilang minuto akong nanatiling nakatayo sa tapat ng gate nang may bumusina sa tapat ko. Agad akong pumasok sa passenger's seat nang makita ko ang sasakyan ni Alron.

"Do you want to—" magsasalita na sana si Alron nang biglang kumalam ang aking tiyan.

Natigilan ako bago napapahiyang tumingin sa bintana. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Alron.

"Let's eat first," aniya habang nagmamaneho. "Saan mo ba gustong kumain?"

"Kahit saan," Kumibit-balikat ako at hindi pa rin makatingin sa kaniya. Nakakahiya yung nangyari kanina!

Huminto siya sa isang fast food chain na malapit sa school. Naglakad siya papasok sa loob habang nasa bulsa ang parehong kamay. Tahimik naman akong nakasunod sa kaniya. Sinamahan ko siya sa pila.

"What do you want?" Tanong ni Alron habang nakatingin sa menu sa may counter. "Ako na ang o-order."

"Hmm..." tumingin din ako sa menu at naghanap ng pwedeng kainin bilang meryenda. "Chicken nuggets and fries na lang sa 'kin."

"Okay," tumango siya. "Ako na dito. Ikaw na lang maghanap ng upuan natin."

Sinunod ko ang sinabi niya at pumwesto sa isang pang-dalawahang lamesa sa sulok. Medyo marami ang tao sa loob ng fast food ngayon dahil uwian na ng mga estudyante.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now