Chapter 8

1.9K 39 5
                                    

EIGHT
— — —

"Thank you po for letting me stay," Ani ko sa harap ng pamilya ni Alron.

"It was our pleasure, Louise." Ngumiti si Tita Agnes.

"Gumawi ka ulit dito kapag may oras ka, ha?" Sabi ni Mama Crizalde.

"Opo," tumango ako.

"Salamat ulit, ha." Sabi ni Mama mula sa aking tabi. "Pasensya na talaga sa abala."

"Wala 'yon, balae." Bahagyang natawa si Tito Mon. "It was a great opportunity for us to get to know her. She's indeed a good catch for my son."

Nasa sasakyan na namin ang mga gamit ko. Kadarating lang ng mga magulang ko galing sa airport para sunduin ako at sabay-sabay na kaming uuwi sa bahay namin. Mga alas-sais ng umaga nagland ang eroplano nila Mama galing sa Singapore kaya naman maaga silang nakarating dito galing sa airport.

"Sige, mauna na kami." Paalam ni Papa.

"See you next time, hija." Tita took me in her arms and I embraced her back. Gano'n din ang ginawa ni Mama Crizalde habang tinapik naman ako sa balikat ni Tito Mon. Si Fritz ay ngumiti lang at tinanguan ako ni Alron.

I immediately knew what he was trying to say. He wants me to try and persuade my parents. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at pumayag sa isang bagay na pinangako ko sa sarili kong hinding-hindi ko gagawin. Yet here I am, breaking that promise to myself because of him.

"Alron?" Tinawag siya ni Tita.

Pareho kaming lumingon sa kaniya.

"Aren't you going to say goodbye to your fianceé?" Tinaasan niya ng kilay ang kaniyang anak at humalukipkip.

Agad akong umiling. "Kahit hindi na—"

Nabigla ako nang humakbang papalapit sa akin si Alron at pumalupot sa aking baywang ang kaniyang mga braso. Ramdam ko ang kaniyang hininga sa aking noo.

Narinig ko ang mga mahinang tili ng mga nanay namin.

"Give it a try," bulong niya bago siya humiwalay sa akin.

Para akong tuod na naiwan matapos niya akong yakapin. Did he really just do that? What the fudge?

Napatango na lang ako at bahagyang ngumiti bago nag-iwas ng tingin.

"Let's go?" Anyaya ni Papa.

Sumunod akong lumabas sa kanila ni Mama at kumaway sa mga Arcilla bago ako pumasok sa backseat ng SUV namin kung saan naghihintay na ang driver namin.

I catched up with my parents habang nasa biyahe kami papauwi. Pagkarating namin ay nagpalit muna ako ng damit bago bumaba sa dining room kung nasa'n ang mga magulang ko. It feels so good to be back home.

Maraming putahe ang inihanda ng mga househelp namin dahil matagal-tagal din kaming wala sa bahay.

Ilang beses akong humahanap ng tiyempo habang kumakain kami pero tuwing nagkakaroon ako ng lakas ng loob na banggitin ang usapin na 'yon, bigla na lang ito naglalaho kapag tumitingin ako kay Papa.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now