Chapter 3

2.5K 44 1
                                    

THREE
— — —

The atmosphere while we're on the road was tense.

Parehas kaming walang kibuan ni Alron mula nang umalis kami sa bahay. Nanatili akong nakasandal sa upuan at nakatungo sa bintana. It's absurd how much my life has changed in a short amount of time. I just turned eighteen and then suddenly, tada! My life is a mess because of the whole engagement thing.

Sumulyap ako kay Alron na nananatiling blangko ang mukha. But judging by the way he was holding on tightly on the steering wheel, he also doesn't like this set up as much as I do.

We remained silent until he entered an exclusive subdivision. Halos wala itong pinagkaiba kung saan ako nakatira. Mala-mansyon din sa laki ang mga bahay na nakatayo rito.

The car stopped in front of a huge black gate that has a cursived A symbol in the middle. Bumukas ito at dumiretso sa driveway ang sasakyan. Sumalubong sa 'kin ang isang modernong mansyon. Nakabukas ang garahe nila at kita ko ang tatlong sasakyan na nakaparada sa loob. Halos lahat ay European brand.

Nakita kong bumukas ang double doors ng mansyon at lumabas dito ang isang matandang nakasuot ng puting blouse at slacks. Siya siguro ang mayordoma nila.

Pinatay ni Alron ang sasakyan at kinalas ko mula sa akin ang seatbelt. Akmang lalabas na sana ako ng sasakyan nang biglang may humawak sa aking braso.

I turned and looked at Alron who was still holding on to my arm. Tinaasan ko siya ng kilay. What does he want now?

"What?" Tanong ko sa kaniya.

His hold on me loosened at nagulat ako nang bigla niyang initsa sa akin ang isang maliit na kahon. It landed on my lap at kunot-noo ko itong tinignan. Hinawakan ko ang dark blue na kahon at pinagmasdan ito.

"Ano 'to?" I dumbly asked. Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Lou!

"What do you think?" Alron sarcastically replied. Para bang nainis siya sa sagot ko.

"I know what it is," iritable kong sabi. "Bakit kailangan pa nito?"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na galing ito sa isang mamahaling brand ng jewelry. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang isang rose gold na singsing na may diamond sa gitna. Sa tabi nito ay 2 pang mas maliit na diyamante.

"Bakit nga ba?" Muli niyang pamimilosopo. Ang sarap talagang batukan ng bwiset na 'to. Kung hindi lang sana ako namamangha sa singsing, kanina ko pa siya nasapak.

Inirapan ko siya.

"Mom made me buy that ring," he sighed. "She'll get mad if she doesn't see that ring on your finger. Just stay out of my way and we won't have any problems."

Hindi niya na akong hinintay pang makasagot at narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa side niya. Sinara ko ang kahon at nagmamadali itong inilagay sa loob ng backpack ko bago lumabas ng sasakyan.

Nauna nang pumasok sa 'kin si Alron at sinalubong ako ng kanilang mayordoma.

"Welcome, hija," ngumiti siya. "Ikaw si Heloise, tama?"

"Louise na lang po..." I politely answered back.

"Ako si Manang Nellie, ang mayordoma ng mga Arcilla," pagpapakilala niya. "Tara na sa loob. Kanina pa kayo hinihintay ng senyora."

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now