Chapter 9

1.9K 35 1
                                    

NINE
— — —

Nakaupo ako sa kama habang tinititigan ang tatlong pack ng Mentos na tig-50 pieces ang laman na nakapatong ngayon sa nighstand ko. Kung hindi mali ang hula ko, sa isang tao lang pwedeng manggaling ang mga 'yon.

Inabot ko ang isa at binuksan ito. Kumuha ako ng isang piraso sa loob.

Napangiti ako habang nginunguya ang candy. I guess nakinig pala siya nang mabuti noong sinabi kong Mentos ang gusto ko at hindi energy bar o chocolate candy. Bumilis ang tibok ng puso ko at the thought of Alron buying those candies for me.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumihaya sa kama at hinampas ito. Hindi pa rin ako makapaniwala!

Narinig kong tumunog ang cellphone ko.

Kinapa ko ang aking kama habang nakatihaya pa rin para mahanap ito. Nang mahawakan ko ang phone ko ay agad kong tinapat ito sa aking mukha. May isang text message from an unknown number.

Napaayos ako ng upo. Oh my God.

Dumating na ba yung pinadala ko?

Napakagat-labi ako. Anong sasabihin ko? I saved the number into my contacts.

Me
Oo, kanina pa. You didn't have to pero thank you :)

I stared at my phone's screen. No, masyadong halata na nasiyahan ako sa ginawa niya. Maybe he'll get the wrong impression. Binura ko lahat ng na-type ko.

Me
Oo, kanina pa. Thank you.

There, para mas seryoso. I hit send.

Sumandal ako sa kama ko at hindi ko maalis ang tingin ko sa phone ko. Iniwan ko itong nakabukas sa messages para mabasa ko agad ang reply niya. Bakit ba ako nagkakaganito?

Tumunog muli ang phone ko.

Alron
Are you okay now?

I immediately typed my reply.

Me
Yep. Dad took it well. I'm glad dahil hindi siya nagalit

Alron
Told you they'll understand

Ngumiti ako at sumulyap sa mga pinadala niya na nasa nighstand.

Me
I know, thank you. Yung Mentos... you didn't have to, you know?

I'm honestly amazed dahil ang bilis niyang magreply. Halos ilang segundo lang ang pagitan ng mga text namin.

Alron
I don't like seeing people cry.

"Aww," I cooed out loud. Alcaeus Ephron is actually a hidden softie. Sinong mag-aakala?

Me
You're a hidden softie, aren't you?

Lumipas ang ilang minuto at hindi siya sumagot. Napangisi ako.

Me
Silence means yes

Hindi pa rin siya sumasagot. Lalo akong napangisi.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن