Chapter 32

2.2K 43 2
                                    

THIRTY-TWO
— — —

Palaisipan ang lahat para sa akin. I may have an idea on what Kailyn was trying to tell me, but I don't want to get ahead of myself. Baka umasa nanaman ako sa wala kagaya ng dati.

I went home after my encounter with Kailyn. Since then, I laid on my bed while staring idly on the ceiling as I wait for Alron to arrive. Sinabi kong pumunta siya kapag tapos na siya sa trabaho.

Samantala ako, hindi pa ako pinababalik ni Papa sa kumpanya. Hayaan ko raw munang humupa ang usapan tungkol sa akin. Kaya pinadala ko na lamang sa team ko ang mga designs na gagamitin para dapat sa presentation namin.

My fingers played with them of the shirt I'm wearing. For some reason, kinakabahan ako dahil alam kong hindi lang siya ang magpapaliwanag. Kung tutuusin, ako nga ang dapat na mas magpaliwanag sa aming dalawa. Ako ang biglang nang-iwan sa kaniya sa ere.

Umahon ako mula sa pagkakahiga. Sinulyapan ko ang nightstand malapit sa aking kama. Binuksan ko ito at inilabas ang isang kahon na nilalaman ang isang bagay na matagal ko nang hindi nakita. I took the white box out and opened it. I reached for the one thing inside.

I laid the golden necklace on my open palm. It's been years since the last time I saw this. Hindi ko na ito muli inilabas mula nang itago ko ito. My thumb caressed the cloud pendant. Eight years ago, this was one of my most prized possessions. Dahil ito ang unang regalo na binigay sa akin ni Alron kaya hanggang ngayon ay may sentimental value pa rin sa akin ito.

Inayos ko ang aking buhok sa isang side at sinuot ang necklace. Tinitigan ko ito at ngumiti. It reminded me of the times I was happy with the person who gave me this. Biglang napunta ang aking isipan sa relong binigay ko kay Alron. Ginamit niya kaya iyon?

Nang malapit nang magalas singko ay bumaba ako para abangan ang kaniyang pagdating. Gusto ko sanang doon kami sa kotse niya mag-usap at baka kung sa bahay kami mag-uusap ay may ibang makinig. Alam kong aware ang iba ko pang mga kasama sa bahay sa nangyari dati.

Nagsuot ako ng cardigan bago lumabas sa front porch. Umupo ako sa dulong palapag ng hagdan na patungo sa front door. Hindi nagtagal ay nakita ko ang isang hindi pamilyar na sasakyan. Huminto ito sa tapat ng gate at sinilip ng aming security guard kung sino ang driver bago siya pinagbuksan ng gate.

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at pinanood ang sasakyan hangga't sa huminto ito sa aking tapat. Ngunit bago pa makababa ang may dala ng sasakyan, agad akong lumapit sa kaniya at binuksan ang pintuan sa passenger's seat.

Alron was taken aback when I glanced at him once I was inside.

Natigilan din ako sa ginagawa ko at napatitig sa kaniya.

"Sorry," ako ang unang umiwas ng tingin. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi.

Now, the atmosphere between was awkward. Wala ni isa sa aming dalawa ang nagsasalita. Gusto kong mauna, gusto kong ilabas muna ang lahat ng saloobin ko bago ko marinig ang side niya ngunit bigla na lang akong nahirapang bumuo ng mga pangungusap.

Umayos ako ng upo at ipinatong sa aking kandungan ang aking kamay. I stared down on my denim jeans.

"Dito na lang tayo mag-usap," my voice was suddenly hoarse. I cleared my throat. "Baka kasi may ibang makarinig sa atin sa bahay."

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now