Chapter 1

4.9K 57 3
                                    

ONE
———

"Ang ganda mo talaga, hija," ani ng make-up artist ko habang nilalagyan ako ng finishing touches. "Hindi ako nahirapan sa pagma-make up sa'yo!"

Nginitian ko lang siya.

"Ayan!" She pulled away. "Now, suotin mo na yung gown mo."

Tumayo ako mula sa upuan at pumunta sa likod kung saan naghihintay ang gown ko.

Today is the day when I turn of legal age. I'm officially eighteen years old.

Kung iba ang nasa sitwasyon ko ngayon, malamang ay excited sila para sa magiging birthday celebration nila pero hindi ako. Hindi ko magawang maging masaya o ma-excite man lang. Wala akong maramdaman kung 'di pangamba sa kung ano ang mangyayari mamaya.

Today is my birthday yet this is the day I've been dreading for the most.

Tinulungan ako ng stylist ko na isuot ang aking gown. It was a rose gold tube ball gown with a sweetheart neckline and detachable ball sleeves. Ang design nito ay ang mga crystal beads mula sa top hanggang sa baywang at sa dulo ng gown. My hair is pulled up in a bun at nag-iwan sila ng ilang buhok sa harap ng mukha ko at kinulot ang dulo nito.

Hirap akong makagalaw, lalo na't nakasuot pa ako ng high heels. Hindi sinunod ni Mama ang pakiusap ko na gawing simple ang design ng gown ko. Syempre, para sa kaniya, only the best for the only heiress of the Gallejos.

Minsan, napapaisip na lang ako. Pa'no kaya kung hindi ako naging si Heloise Gallejo? Pa'no kaya kung sa isang simpleng pamilya ako ipinanganak? Will my life be easier? Will I be happier? Will I get to choose my own path?

Kung tutuusin, masaya ako sa kung anong meron ako ngayon. I have two loving parents and I can have anything I could ever want. Pero isa lang ang hindi ko gusto sa buhay kong ito. My future is already planned by my family. I can't choose the course I want nor would I get the chance to choose the one whom I will marry. You see, there are also downsides on being a member of the family that owns the largest real estate development comapany in Asia.

Pinapasok ng stylist ko ang mga cameramen na magvi-video para sa remembrance of the day I turned eighteen. Nakikita ko sa sulok ng aking mata ang mga nakatutok nilang video camera sa 'kin. Mayroon ding camera flashes mula sa DSLR na hawak ng photographer na in-assign ni Papa. But despite of all the lights na nakatutok sa 'kin, hindi ko magawang ngumiti.

"Tapos na ba siya?"

Lumingon ako sa pintuan nang bumukas ulit ito at pumasok si Mama.

"Ang unica hija namin," mangiyak-ngiyak niyang sabi habang papalapit siya sa kinaroroonan ko.

Marahan niya akong niyakap. "Happy birthday, anak. I love you."

"I love you too, Ma."

She pulled away from our embrace at pinasadahan ako ng tingin. Buti pa si Mama, hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi.

"Smile, anak." She said and placed her hands on my shoulders.

Bahagya akong ngumiti para matugunan ang gusto niya.

"Are you excited for your party?" Nakangiti niyang tanong.

My throat felt dry all of a sudden. "Opo." Pilit kong sabi.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ