Chapter 7

1.9K 43 6
                                    

SEVEN
— — —

Pasado alas-otso na ng gabi nang pauwi ako sa mansyon ng mga Arcilla. Tahimik akong nakadungaw sa bintana ng taxi na sinasakyan ko. I still can't believe it. May mahal na pala siyang iba.

Napapikit ako at sumandal sa salamin.

If ten year-old me saw them, I would be extremely jealous. But that's not the case right now. I'm eighteen years old and I have... moved on from my infatuation over Alron.

I can't help but feel guilty for some reason. Alron is forced to be tied down to me even though he already loves someone else. Maybe she's the reason why he's head on disobeying his parents and cancel our engagement.

I'll let him, though. He can do whatever he pleases just so we can both be free from our situation because I know that we don't deserve this. We deserve to marry the person we love. Not this... marriage for convinience.

I know that my parents will understand if he's the one who will back out. Dahil alam kong kapag ako ang may gustong kumawala, magagalit at madi-disappoint sila sa akin. May chance pa nga na itakwil nila ako bilang kanilang anak. I won't let that happen.

I can't help but feel slightly envious of Alron's girlfriend. He loves her so much that he's willing to go against his family for their love. I never knew that he can be that kind of person. Hindi ko alam na gano'n pala siya kalalim magmahal.

Nanatili akong nakasandal sa salamin hanggang sa tumigil ang sasakyan sa tapat ng mansion ng mga Arcilla. Nagbayad ako at bumaba. Pinapasok ako ng kanilang security guard at dumiretso ako sa loob.

Matapos kong maghubad ng sapatos ay nakita ko si Alron na papalapit sa kinaroroonan ko. Madilim ang kaniyang mukha. Why does he look... so mad?

"Sa'n ka galing?"

"Sa mall," sagot ko. Mukhang mas maaga pa siyang nakabalik kaysa sa 'kin, huh.

"Bakit ngayon ka lang umuwi?" May bahid ng galit ang kaniyang tono. Ano naman pinuputok ng butchi nito?

"Napahaba ang kwentuhan, e." I shrugged. "Magpapalit muna ako sa kwar—"

"Hindi ba uso sa'yo ang magpaalam kung may pupuntahan ka?" Diretsong tanong niya. "You made Mama worry! Akala nila kung napano ka na."

Fudge. Oo nga pala!

"Nawala sa isip ko," Pag-amin ko. "Saka wala naman akong number na pwedeng i-text para masabi sa inyo na gagabihin ako ng uwi..."

"E 'di sana nagsabi ka kaninang umaga!" Lumakas ang boses niya. "Now look what you have done, tumaas ang presyon ni Mama!"

"I'm sorry," Umiwas ako ng tingin. Kinakain na ako ng konsensiya ko, lalo na't may nangyari pang hindi maganda kay Mama Crizalde at kasalanan ko iyon.

"Hindi ka sa 'kin dapat nagso-sorry." Masama niya akong tinignan.

May kinuha siya sa bulsa ng kaniyang pantalon. Bigla niyang inabot sa akin ang kaniyang cellphone. Kunot-noo ko itong tinignan.

"Bakit mo binibigay sa 'kin 'yan? May phone naman ako, ah."

"Your number," aniya. "Para ma-text kita kung nasa'n ka at hindi mag-alala si Mama kung gagabihin ka ng uwi."

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now