Chapter 34

2K 36 0
                                    

THIRTY-FOUR
— — —

"Dito po tayo, ma'am."

I stopped on my tracks and stared at the open door. This is it. I took a deep breath before slowly walking in. I tried my best to keep my composure and hide the fact that I'm actually shaking.

I stared at the woman sitting on the monoblock chair. She looked at me with sharp eyes. Naiilang tuloy akong lumapit kahit na may bantay kaming police officer. Pakiramdam ko ay sasagpangin niya ako kapag lumapit pa ako sa kaniya.

But still, if I want answers, I need to be strong. Kailangan kong lakasan ang aking loob.

Hindi ko inaalis ang aking paningin sa kaniya habang papalapit ako at umupo sa upuang nasa kabilang side ng lamesa.

"Anong gusto mo?" Siya ang unang nagsalita at halos idura niya sa akin ang kaniyang mga salita.

Nanatili akong tahimik at inobserbahan siya. She looked old and stressed. There were heavy bags under her eyes and her forehead was creased. She also didn't bother to cover up her growing white hairs. She was thin and pale. She was the exact opposite of the Melvina who left me.

"Ganyan ba magpalaki ang mga mayayaman, ha? Tinuro ba nila na huwag kang sasagot kapag tinatanong ka?"

"No," I finally spoke up. My voice was hoarse and I can feel my emotions rising. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako sa estado niya ngayon. "They raised me very well."

"O, ayon naman pala, e. Bakit nandito ka pa?" Singhal niya. "Para magyabang?"

"Hindi... po," Although she has done me wrong, I still have to respect her. "I... I want to thank you."

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko ngunit hindi ito nagtagal at napalitan din agad ng galit.

"Thank you," Inunahan ko siyang magsalita. "Dahil kung hindi niyo po ako iniwanan noon, hindi po magiging ganito ang kinabukasan ko. Hindi ko po makikilala ang mga taong nagmamahal sa akin ngayon. Kaya salamat po."

"Kahit na... kahit na masama ang loob ko dahil inabandona ako ng natitirang totoong pamilya ko. Kahit na naging madali sa iyong ipagtabuyan ako. I'm still thankful because I met the people who treated me like their own flesh and blood because of what you did."

"Ang kapal talaga ng mukha mong bata ka," aniya. "Nakuha mo pa talagang magpasalamat? Ang yabang mo talaga! Kung nagpapasalamat ka talaga, palabasin mo ako dito!"

"Tita—"

"Huwag mo akong matawag-tawag na tita, hindi kita kaano-ano!"

"Bakit niyo po ako iniwan noon?" Diretso kong tanong sa kaniya. "Bakit po ang laki ng galit niyo sa akin? May nagawa po ba akong mali? Do you hate me that much that you left me in the middle of an amusement park with no money?"

Lalong sumama ang kaniyang mukha. "Huwag mo akong English-in at alisin mo ang pagmumkha mo na 'yan sa harapan ko."

"No, hindi po ako aalis hangga't sagutin niyo ang lahat ng tanong ko—"

"Sinabi kong lumayas ka!" I flinched back nang bigla siyang tumayo. Agad na-alarma ang mga nakapaligid na bantay sa amin ngunit hindi siya hinawakan dahil nakaposas naman siya.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now