CHAPTER 31: Prophecy Keeper

Start from the beginning
                                    

"P-pri-primordials?!" Bulalas ko.


"Oo. Iyon ang ibinilin sa akin ng aking ina bago siya mamatay, hindi sinabi sa prophecy ang katotohanan upang maging ligtas ang nakatakda sa kamay ng kadiliman." Paliwanag ni Herisha.



Natulala ako. Primordials? Si Alexandrite at Alyxandrius Monroe? Ang anak ni ate Aleighanne? MGA PRIMORDIALS?! Pero paano?



"Paano?" Ang tanong sa isipan ko ay naitanong na mismo ni alpha Tyler.



"Ang ama nila." Sagot ni Herisha.


"Isang hybrid ang ama nila. May lahi itong tao." Sabi ko.


"Tama. Pero isa siyang Monroe." Sagot ni Herisha.


Nagtaka kaming ulit ni Alpha Tyler. May mga bagay pa ba kaming hindi nalalaman tungkol sa mundo ng mga taong lobo? Anong meron sa Monroe?


"Sa tingin ko ay naguguluhan kayo. Tara at maupo, sasabihin ko lahat ng nalalaman ko." Aya ni Herisha.


Sumunod kami agad ni alpha Tyler, pati siya ay curious na rin sa mga malalaman namin. Magkatabi kami ni alpha Tyler habang nasa harapan namin si Herisha na may seryosong mukha.



"Una, ang Monroe Family also known as the Hidden Family." Panimula ni Herisha.


"Hidden Family?" Tanong ko.

"Pamilyar ba kayo sa salitang Er Moonré?" Seryosong tanong ni Herisha.


Nagkatinginan kami ni alpha Tyler at napalunok ako. We know the Er Moonré, kahit saan naman ay kilala sila. They are the legendary primordial werewolves.


"Y-yes." Sagot ko.



"Ang Er Moonré ay ang nagsimula sa lahi ng mga lobo ilang daang libong taon na ang nakakalipas. Sila ang namuno sa lahat ng werewolves, mga panahong may pagkakaisa pa ang lahat at walang mga packs at rogues. Sila ang maituturing na mga hari at reyna sa mundo ng mga lobo, ang mga kauna-unahang royal blood. Pero kilala niyo rin siguro si Lelantos La Vienth." Kwento ni Herisha.


Sabay kaming napatango ni Alpha Tyler. Nasa Werewolves History ang pangalan ni Lelantos La Vienth. Ang traydor na tagasunod ng mga Er Moonré, dahil sakanya nagkaroon ng kaguluhan at doon na nag-umpisa ang pagkakawatak-watak ng mga lobo.


"Namatay sina Quiyne at Loir Er Moonré dahil kay Lelantos La Vienth. Pati ang anak nilang si Lijarrah Er Moonré ngunit ang hindi alam ng lahat ay may isang anak pang itinatago ang mga Er Moonré. At siya ang dahilan kung bakit may nabubuhay pa ring primordial sa panahon ngayon." Seryosong sabi ni Herisha.



"You mean, hindi nawala ang primordial werewolves??!" Gulat na gulat na natanong ko.



"Hindi porke isa kang Er Moonré ay primordial kana. Hindi pangkaraniwan ang dugong meron sila, hindi rin ganoon kalakas ang primordial blood para magkalat at mabuhay sa blood cells ng mga Er Moonré. Si Thiadduen ang huli dahil ang first child nito ay pinatay nang maisilang dahil nalaman ng La Vienth Clan na isa itong primordial." Paliwanag ni sagot ni Herisha.

"Anong nangyari kay Thiadduen Moonré?" Curious na tanong ko.

"Lumayo at nanirahan sa mundo ng mga tao, namatay siya sa katandaan at sa mundo ng mga tao siya bumuo ng pamilya at nagparami ng lahi. Mula noon ay wala sa mga naging anak o apo ni Thiadduen ang naging primordial.............. Kaya labis ang tuwa namin ng aking ina ng malaman namin na may nabuhay na mga primordial, hindi lang isa kundi dalawa pa." Sagot ni Herisha.


"Ang Monroe siblings ay ang natitirang primordial werewolves, hahanapin sila ng mga kampon ng kadiliman upang paslangin. May malaki silang responsibilidad sa mundo ng mga immortals kaya kailangan silang ingatan at pahalagahan. Sila ang susi sa pagtapos sa kadiliman, sa kamay nila mawawakasan ang buhay ng mga dapat wakasan ang buhay sa mundo......... Iyan ang ekasaktong bilin sa akin ni Inang Letecia." Sabi ni Herisha.

"Ang pagiging primordials ng kambal ang dahilan ng pagkamatay ng aking ina. Sa labis na pagtatanggol sa kambal ay namatay siya, hanggang sa kaniyang huling hininga ay hindi niya isinatinig sa mga Bertram ang tunay na pagkatao ng kambal. Para sa pangkalahatan, kayang ibuwis ni Ina ang sariling buhay upang bumalik sa dati ang lahat." Sabi ni Herisha.

Nahalata ko ang kalungkutan sa boses niya pero hindi niya ito ipinakita sa amin ni Alpha Tyler. Sa tingin ko ay ayaw niyang magpakita ng kahinaan.


Sandali lang............. Naisip ko lang na ang nasa prophecy ay mga primordials at ang mga taong nakatakda ay mga pamangkin ko na iniingatan ko.


Ibig bang sabihin nito? Hindi sa bobo na ako at mabagal mag pick up o makagets. Inuulit-ulit ko lang upang makasigurado akong mabuti sa narealized ko.

Hindi kaya..........


"Wait. Anong koneksyon ni Hyuven Monroe sa mga Er Moonré?" Tanong ni Alpha Tyler.


Si Hyuven Monroe ay ang asawa ni ate Aleighanne at ang ama ng kambal na namatay dahil sa aksidente.

"Ang Monroe at Er Moonré ay iisa."


Sabi ko nga. Shit! May primordrial akong mga pamangkin!

~~~~~

THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now