CHAPTER 30: Herisha Neville

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pambihira. Bilisan nalang natin." Sabi ni alpha Tyler at nauna nang maglakad palabas ng tunnel.


Alam ko naiirita na siya dahil ilang oras na kaming naglalakad, at muntik pa maligaw ng daan. Alas singko kami umalis ng pack at ngayon ay almost 8 na ng umaga. May dala naman kaming sasakyan pero hindi iyon magiging useful sa daan papunta sa Prophecy Keeper.


Paglabas namin ng tunnel ay isang napakagandang tanawin ang bumungad sa amin, isang malawak na garden na maraming mga lumilipad na mga butterflies and birds. Halos lahat ng klaseng bulaklak ay narito at naka organize. Malalago rin ang mga damo at napakalinis tignan dahil sa kulay. May fish pond rin akong nakita na nakapalibot sa isang napakalaking puno sa gitna na may bahay sa itaas na gawa sa woods.




"Wow." Halos sabay na sabi namin ni Alpha Tyler dahil sa kamanghaan.


Napakaganda dito at napakatahimik, nakakarelax ang atmosphere. Napakasariwa rin ng hangin na kay sarap langhapin kaya napapikit ako.


"Hindi tayo nagpunta rito upang magliwaliw, alpha Andreighus." Napamulat ako ng mga mata dahil sa sinabi ni alpha Tyler.


"Oo nga pala. Sorry." Nasabi ko nalang.


Tama, nandito kami ngayon dahil sa kambal. Hindi para magrelax at mamasyal. Haaay. Umayos ka Andreighus. Tsk.


"Tara na." Aya ni Alpha Tyler.


Naglakad na kami papunta sa harapan ng malaking puno. May hagdan na gawa rin sa wood na nakadikit sa kahoy ng puno.



"Aakyat ba tayo, Alpha Tyler?" Tanong ko.

"Joke ba 'yun, Alpha Andreighus?" Masungit na tanong din pabalik ni alpha Tyler.

"Sabi ko nga aakyat tayo." Sabi ko at nauna  nang umakyat.


"Isip din alpha Andreighus. Alangan mag-antay tayo ng siyam siyam sa ibaba hanggang makita tayo ng prophecy keeper. Tsk." Sabi ni alpha Tyler na nakasunod sa akin.

Hindi nalang ako umimik. Nagpatuloy nalang ako sa pag-akyat dahil wala ata sa mood si Alpha Tyler.


Sa itaas ay may maliit na teresa ito, kulay white ang pintuan pati ang bubong at ang teresa, pero brown ang pader ng tree house. Hindi ito kalakihan, parang pambata pa nga ang dating e. Talaga bang dito nakatira ang prophecy keeper? O naligaw lang kami? Eh!



Paglingon ko kay Alpha Tyler ay seryoso itong pinagmamasdan ang kabuuan ng tree house, parang pinag-aaralan nito ang bawat detalye ng bahay.


Nagkibit balikat nalang ako at humarap sa pintuan, wala dapat kaming sayangin na oras. Kailangan makabalik kami kaagad sa pack bago mag-gabi.


*knock knock knock*

Kumatok na ako sa pintuan. Pero mukhang walang tao sa loob, napakatahimik sa loob. Walang maririnig na kahit anong ingay.. Kumatok akong muli pero wala pa rin nagbubukas ng pintuan.



"Wala atang tao." Sabi ko.

"Ha?" Sabi naman ni alpha Tyler.

Sumilip kami sa bintana, napakaliit ng loob at hindi mukhang prophecy keeper ang nakatira.


"Tama ba napuntahan natin, alpha Andreighus?" Tanong ni alpha Tyler.


Kinuha ko ang papel at chineck itong muli. Paulit-ulit ko itong tinitigan, at walang mali. Tama naman ang address na napuntahan namin.



THE SIGHTLESS LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon