CHAPTER 26: Gamma's Daughter

Start from the beginning
                                    

"Why?" Nagtatakang tanong ko.


"Wrong direction Lexa. Sa kabila ang daan." Natatawang sabi niya.



"Ow. May bad. Sorry." Nahihiyang sabi ko.



Nakakahiya, ako pa talaga unang humila sakaniya tapos mali pala ang direksyong pinupuntahan ko. Hays. Feeling may paningin ka kasi Lexa. Naku! Behave ka lang nga.




Nasa labas na kami ng mansion at naglalakad lang, ramdam ko naman si Francia na nakasunod lang sa likuran namin ni Yxan.


"Where to go?" Tanong ni Yxan.



"I don't know." Sagot ko.



"Hahaha. Nag-aya ka mamasyal tapos hindi mo pala alam kung saan tayo pupunta." Natatawang sabi ni Yxan.



"Sorry naman. Sa totoo lang ay nabobored ako sa mansion. Ayoko mag stay doon kasi lalo ko lang naaalala at namimiss ang presence ni lola Olivia." Malungkot na paliwanag ko.




"Hmmm. Me too." Sagot ni Yxan at napahinga ng malalim...



"Francia?" Tawag ko.


"Ah. Yes Miss Lexa?" Sagot naman niya agad.


"Saan ba pwede mamasyal dito?" Tanong ko.


"Ahm. Wala naman po kasing magandang spot dito Miss Lexa. Sa downtown po, ang alam ko may event ngayon doon." Sagot niya.



"Anong event?" Curious na tanong ko.



"Ah eh. Miss Lexa ano.... Huwag nalang po tayo roon dahil madaming mga taong lobo ang nadoon ngayon at baka mapano pa kayo ni Sir Alyxandrius." Pagpigil ni Francia.


"Walang mangyayari Francia. Ilang beses na tayo umalis ng mansion pero nakakauwi naman tayo ng maayos." Sagot ko sa kaniya.


"Pero iba po ngayon Miss Lexa. Downtown tayo pupunta at hindi maganda iyon na idea." Sagot din niya.


"Kasama naman natin si Yxan, tsaka pumayag naman si tito Andreighus na mamasyal tayo." Depensa ko.


"Pero po-" Pigil pa niya.



"It's okay Francia. Hindi ko pababayaan ang kapatid ko." Si Yxan na ang sumagot kaya napangiti ako.



Nakangiting pinisil ko ang kamay niyang hawak ko, mahina naman siyang tumawa at ginulo ang buhok ko.




"Ano nga bang event meron doon?" Tanong ko bigla habang naglalakad kami papuntang downtown.




This is my first time na lakarin ang mansion papuntang downtown o bayan ng Sheridan. Hindi ko naman ramdam ang pagod kasi kakwentuhan ko silang dalawa.



"Maliit na ganap lang ho iyon Miss Lexa. May parang bazzare po gaya sa mortal world, ang kaso lang po ay walang rides dito dahil hindi uso ang ganoong mga sasakyan sa immortal world. Puro mga ibenebenta lang na mga gamit na hindi basta basta nabibili sa normal day na pamilihan." Paliwanag ni Francia.



Napapatango na lang ako sa paliwanag niya. Wow, gusto ko sana bumili kaso panigurado ay wala din dalang pera ang dalawang kasama ko gaya ko. Sayang naman.



Sa hindi kalayuan ay nakakarinig na ako ng ingay, nasa downtown na kami. Isang ingay na sa pamilihan lang maririnig. Hahaha.



"Nandito na po tayo." Pagbibigay-alam ni Francia sa amin.



THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now