"I'm okay"..maikling sagot ko dito tsaka muling pinagpag ang likot ng suot kong pantalon.

"I'm really sorry"..ulit nya pa.

"No it's okay, Actually it should be me whose saying sorry to you because, I was busy finding someone so I didn't see you"...pagpapaliwanag ko pa.

"It,'s okay, by the way, I have to go, I have something to do too,"..sabi nya ng hindi man lang nagpapakilala kaya nagpatuloy na lang ako sa paghahanap kay lolo.

"Hey apo, what took you so long?"...tanong pa ni lolo.

"Oh something came up before I got to find you"...pagpapaliwang ko kaya tumango na lang si Lolo.

"I heard you're friends with Garry's grandson"..sabi pa ni lolo.

"Yes Lo, ilang araw pa lang naman po kaming magkaibigan and so far so good naman po"..paliwanag ko rito.

"After this come to my office bring Thalia with you okay!"..nagtataka naman akong tumango kay lolo, kaya nagpaalam na muna ako para punatahan si Mr. S at samahan ito.

Pagdating ko doon ay agad kong hinanap si Mr. S, kaso nakita ko syang kausap ang mga magulang nya kaya aalis na sana ako pero nakarinig ako ng isang tawag mula sa likod ko kaya nilibgon ko ito.

"Hey!"...bati ko naman sa kanya.

"Is this the one you're talking about Zack?"..tanong naman nung mommy nya kaya tumango naman si Zack at muli akong tiningnan.

"Ahh mom this is M---, ahh I mean this is E-elle"...halatang nahihiya pa si Mr. S na banggitin ang pangalan ko.

"Hi ma'am/sir"...bati ko naman at nagbow sa kanila.

"Tita na lang hija, besides you're the very first girl he had friends with, alan mo kasi yang si Zack lumaki yan na yung apat nyang mga kaibigan lang ang kasama"....paliwanag naman ng mommy nya kaya tumango naman ako.

"Naikwento nya nga po sa akin, ganon din naman ho ako, sya pa lang po ang naging kaibigan kong lalaki"...medyo naiilang ako dahil mga magukang ni Mr. S ang kausap ko at the same time nagi-guilty dahil kaharap ko ang magukang ng babaeng aksidente kong napatay.

"Zack, mauna na kami ng daddy mo kailangan naming alalayan ang lolo mo, kaninang umaga pa kasi sya balisa"...paliwanag ng mommy ni Mr. S kaya naman tumango na lang ito sa kanila at nginitian naman nila ako bago umalis kaya sinuklian ko rin sila ng ngiti.

"Mag-iingat po kayo mom, dad hah"...bilin pa ni Mr. S sa kanila at tumango na lang sa kanya ang daddy nya.

"Tara na, palakad na sila ehh"...yaya ko naman sa kanya kaya naman tumalima agad sya at pumasok sa loob ng kotse nya.

"Alam kong hindi mo kaya, akina yung susi ng kotse mo ako na lang ang magmamaneho"...prisinta ko pa kaya naman nilingon nya ako.

"Hindi na, kaya ko na"...sabi nya kaya naman sumang-ayon na lang ako sa kanya at nagtakid na ng seatbelt ko.

Maya-maya lang ay nakarating na agad kami sa sementeryo at medyo marami-rami na rin ang mga tao kaya nag-madali na kaming magpunta doon.

Maglalakad na sana ako pero nakita kong hindi pa rin bumaba ng kotse si Mr. S kaya naman kinatok ko ang bintana ng kotse nya.

"Tara na, hindi matutuwa ang lola mi nyan kapag ganyan ang gagawin mo"...tumingin naman sya sa akin at kitang-kita ko ang mga nangingilid nyang mga luha.

"Ayoko pa, ang hirap lang kasing tanggapin na kung kelan aki nakabalik dito saka naman ihahatid ko na si lola sa huling hantungan nya"...habang sinasabi nya yon ay unti-unti na rin bumagsak ang mga pinipigilan nyang luha mula kanina kaya wala akong nagawa kundi ang buksan ang pinto ng kotse nya at yakapin sya, alam kong kahit papaano mapapakalma ko rin sya.

 A Stranger's Heart[Completed]Where stories live. Discover now