Bahay....

Pagdating namin sa bahay ay nauna na syang bumaba, kaya hinayaan ko na lang sya at iginarahe ko na muna ito sa garage.

Pagbaba ko ay nagderetso agad ako sa bahay at nakita ko naman ang tulog na si Thalia sa couch kaya naman pinuntahan ko ito at inayos ang kanyang pagkakahiga.

Pagkatapos ay agad akong dumeretso sa kuwarto ko para magpalit at maligo na rin.

Pagka-labas ko ng Cr ay umupo ako sa kama para magpatuyo ng buhok at tiningnan ko na rin ang cellphone ko, mukhang wala ng sumunod na text galing sa kanya.

Dahil wala akong magawa ay bumaba na lang ako papunta sa garden, doon muna ako tatambay dahil tulog pa naman si Thalia.

Pagdating ko sa garden ay naupo muna ako sa bench doon tsaka nilapag ko ang aking cellphone sa tabi ko.

Dahil wala akong magawa ay ipinikit ko na lang ang mga mata ko at dinama ang hangin sa paligid.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng tumutunog kaya dali-dali kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko naman yung cellphone ko na kqnina pa pala nagri-ring.

Mommy Calling...

"Hello, anak"

"Hi mom, kumusta po kayo dyan?"

"Ok naman, medyo nag-aadjust pa kasi kalilipat lang namin"

"Mom, Tell me, Ano po ba talaga ang nangyari"

"Hindi ko nga rin alam anak ehh, kasi nung time na yun natutulog kami, buti na lamg gising pa ang kuya mo kaya naagapan ang paglabas namin."

"Andyan po ba si kuya?"

"Wala ehh lumakad inaasikaso siguro ang gang, pero alam mo nak ang babait naman ng mga tao dito sa village na nilapatan namin"

"Anak"

"Yes po mommy"

"Kanina pa kita tinatawag, di ka naman sumasagot akala ko pinatay mo na ang tawag pero hindi naman, may problema ba anak?"

"Wala naman po, may sasabihin lang po ako"

"Ano yun"

"Nagkaayos na po kami ni lolo"

"Talaga! anak, mabuti naman,"

"Sige po ma, may gagawin pa po ako, Bye!!"

"Sigeh, mag-iingat ka dyan palagi"

"Opo, kayo rin po dyan"

Pagkatapos ng tawag ay agad ko itong pinatay at bumalik sa pagkakapikit ng mga mata ko, hanggang sa may naramdaman akong unti-unting nglalakad papalpit sa akin kaya nagmulat agad ako ng aking mga mata.

Si Thalia lang pala...

"Gising ka na pala"

"Kanina pa, hinahanap nga kita, andito ka lang pala sa garden"

"Ayoko kasi sa loob"

"Mommy mo ba yung kausap mo kanina?"

"Oo"

"Hindi mo nga pala sya nakilala kasi sa sobrang busy nya sa work noon dito sa America, late na sya nakakauwe"

"Oh, kaya pala bihira ko syang makita sa bahay niya nung mga bata pa tayo"

 A Stranger's Heart[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon