CHAPTER 23: The Escape

Start from the beginning
                                    

Natulala ako sa pagsigaw niya, i didn't expect that. Alam ko natataranta na rin siya at kinakabahan gaya ko. Bakit ba hindi ako nag-iisip?



"S-sorry *sob*" Sabi ko.


Pero imbes sumagot ay hinalikan lang ako ni Yxan sa noo at inakay nang maglakad muli.




Malayo na rin nang makarinig kami ng pagsabog at malalakas na tawanan. May parang napunit akong narinig. Ewan ko pero habang tumatagal ay patalas ng patalas ang pandinig ko na kahit malayo na ay parang ang lakas pa rin ng tunog.



"A-ano iyon, Yxan?" Natatakot na tanong ko.



"Ssshhhh. Keep walking." Seryosong sabi ni Yxan.





Pabilis ng pabilis ang lakad namin. Sa kakahuyan ata kami napadpad base na rin sa mga tuyong dahon na natatapakan namin at sa huni ng mga ibon sa paligid.





Hindi ko na alam kung nasaan kami, nagsisimula na rin mamanhid ang mga paa ko. Yung paa kong natapilok kanina ay sumasakit na, idagdag pa ang aksidenteng nangyari kanina.



"Y-yxan, m-masakit na." Daing ko sa paa ko.




"Please Lexa, konting tiis pa. Kailangan natin makalayo." Sagot naman ni Yxan.



"O-okay." Saad ko.



Inabot kami ng isang oras. At pagod na pagod na kaming dalawa. Hindi ko alam kung nasaan na kami.



"There! May kweba. Magtago muna tayo at magpahinga roon." Sabi ni Yxan.



Inakay niya ako papasok sa isang kweba. Napakatahimik dito. Walang umiimik sa aming dalawa, kapwa hinihingal sa kapaguran.


"I knew it." Panimula ko.



"About what?" Takang tanong niya.


"My nightmare." Sagot ko.


"What do you mean by that?" Tanong niya.



"May mga pinagkaiba lang. Like my dress, in my dream i am wearing a white dress. And everyone was laughing at me but in reality, all i can hear was shouting in pain and fear........ And i k-know, the man who stabbed me was the one who was responsible for all of this." Kwento ko.



"Yxan I'm sure my dream is not really a nightmare, it was.........." Pagtigil ko sa sasabihin ko.




"......... A warning." Sabay naming nasabi.



"If that's the case we need to be careful." Seryosong sabi ni Yxan na tinanguan ko lang.



Ilang minuto rin kaming natahimik nang makarinig kami ng kaluskos.


"Sssshhh. Don't make any sound." Bulong ni Yxan at tinabihan ako.



May mga yabag ng mga paa kaming naririnig, rinig na rinig ito dahil sa mga tuyong dahon sa lupa. Hindi ko masabi kung ilan sila, basta more than 3 werewolves.



Walang nagsalita sa amin, ni pati ata paghinga ay napigil namin huwag lang makagawa ng ingay. Dahil kung hindi? Katapusan na naming dalawa.




Kahit natatakot at nanginginig sa maaaring mangyari ay sinikap kong manahimik sa kinauupuan ko.



"Kailangan natin silang mahanap at madala kay Alpha Gordon." Narinig naming sabi ng isa sa kanila.


THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now