CHP18: Punishment

4.8K 114 0
                                    

"Sometimes the one you WANT, is not the one you really NEED."

 

**

SOYEON POV

 

"Anong meron bakit namumula ka?" tanong ko kay Amber na kapapasok pa lang ng kwarto namin. Nataranta naman sya nang makita ako.

"Ha? W-wala! Ang init kasi kaya namumula ko." Kumunot naman ang noo ko. Hindi naman ganung kainit para mangyari yung sinabi nya. Masyado naman atang sensitive yung balat nya?

"Ugh' San galing yang teddy bear sa tabi mo?" Puna nya sa dalawang brown teddy bear sa kama ko.

"Eto ba? Pagmamay-ari lang naman 'to ng isang unknown specie at gagantihan ko sya sa pamamagitan nito. Whahaha!" nagningning ang mga mata ko nang maalala ko yung plano ko. Kahit mahanap pa ng unknown specie na yun yung susing itinapon ko, wala pa din akong balak isauli sa kanya 'tong mga teddy bear nya. Papahirapan ko muna sya. Ha-ha-ha.

"Sige amber, lalabas muna ko. Hahanapin ko lang ang pinakamamahal kong bias na si SUHO." umalis ako sa kama ko at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto. Napansin ko pang namula ulit si Amber nang marinig yung pangalan ni Suho. Ano kayang nasinghot nito? Tss.

Paglabas ko ng kwarto bumungad sa'kin ang isang unknown specie. Malapad ang ngiti nitong binati ako, "Hi. Girlfriend."

Inirapan ko nga sya. Ang kapal nyang tawagin akong girlfriend? Never in my oh-so-hot body! Lalagpsan ko na sana sya nang may marinig akong tunog na parang galing sa isang bagay na naglock.

Pagtingin ko sa braso ko, halos lumuwa ang mata ko nang makitang nakaposas na ang kanang braso ko sa kanya.

"YAH!! ANO 'TONG GINAGAWA MO??" Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa sobrang inis. Nginitian naman nya ko nang ubod nang tamis.

"Obvious ba? Binabakuran ko lang kung anong akin." Umakyat lahat ng dugo ko papunta sa ulo nang marinig ang sinabi nya.

Naghahanda pa lang sana ako para sigawan ulit sya nang pigilan nya ko. "Hep! Pagsumigaw ka pa ulit. Hahalikan na talaga kita."

Tinignan ko sya ng ubod nang talim. Halos masabunutan ko na nga ang sarili ko sa sobrang inis. Pero wala na kong nagawa kundi ang pigilan ang sarili ko."Arghhh!"

"Ikaw kasi.. bakit mo pa naisipang itapon yung susi sa buhanginan, ayan tuloy napulot namin. Kung ginaya mo na lang yung mga kasama mo at tinago sa katawan nila yun.. baka nga naghahanap padin kami ni Baekhyun hanggang ngayon." Kaya ba nag-iisa na lang 'tong unknown specie na 'to at inaasar ako? Bakit kasi ang tanga-tanga ko! Dapat pala sa dagat ko na lang hinagis yung susi para siguradong uuwi silang nakaposas. Oh di kaya nalunod na kakahanap nung susi. Bwisit!

"At dahil sa ginawa mo, nabigyan ka ng pagkakataong makasama ko buong maghapon, o diba ang swerte mo?" iniangat pa nya ang mga braso naming may posas. I rolled my eyes.

"Patayin mo na lang ako pwede?" hindi naman nya ko pinansin at kinuha yung cellphone nyang tumunog. Handa kong magpakamatay wag ko lang makasama ang lalaking 'to. Ayoko talaga sa kanya. Pakiramdam ko nasa impyerno ko kapag nandyan sya sa tabi ko. Argh!

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon