CHP14: Pumapag-IBIG^^

5.9K 124 7
                                    

"I try not to like you. But I fall even harder.."

**

DASURI POV

Nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko matapos ipaalala sakin ng.. ehemp! 'ASAWA KO!' Ayiee. yung assignment ko. Talaga naman. Pati sa sweet moment ko si assignment pa din ang panira? Haysst! Buhay nga naman.

Kinalkal ko na yung bag ko at agad-agad kinuha yung mga libro at notebook na gagamitin ko. Bago ko bumalik sa kusina. Sinigurado ko munang nakalock yung pinto ng kwarto ko. Mahirap na baka biglang pumasok si Kai. Makita pa nya ang mga precious 'FANGIRL THINGS' ko. Like posters right? Isipin pa nya. SASAENG AKO?? NO WAY!!

"Hayst! Buti na lang pinaalala mo sakin 'to. Kundi lagot na naman ako kay Miss. Shin." Sabi ko pagkalapag ko ng mga dala ko sa mesa. Ayt. Tapos na syang maghugas. Bilis ah!

"Wala yun." Sabay tanggal nya sa mga gloves at apron na ginamit nya kanina sa paghuhugas ng pinggan.

Excited na ko. Tutulungan kaya ko ni Kai sa mga assignment ko? Parang GELO BAEK and HONEY OH ang peg? Yung tipong.. ipapaliwanag nya sakin kung pano hahanapin ang pakipot at laging naglalayas na X ni Y. pero syempre.. hindi ko maiintindihan kasi naman nakatitig lang ako sa gwapo nyang mukha.

Tapos..

Tapos..

Maiinis sya sakin kasi ang slow ko. Magpapacute naman ako. Magpapapout! Mapapatingin sya sa labi ko.. ako naman kakabahan. Mattempt syang halikan ako. Unti-unti syang lalapit habang ang puso ko'y parang sasabog sa kaba. Mapapapikit ako dahil sa sobrang intense nang moment. Hanggang sa..

"Pano aakyat na ko? Tapos na naman akong maghugas."Eeeeeennng! basag ang mga pangarap ko. Crack! Boogsh!!

"Ha?" tanong ko nang makarecover ako sa mga binitiwan nyang salita. Muntik pa kong mahulog sa kinauupuan ko nang marinig ko yung sinabi nya.

"Sabi ko aakyat na ko." Ulit nya.

"Agad-agad? Maaga pa para matulog ha?" wag ka munang umakyat. magkiKISS pa tayo!

 "Babalik na din kasi ako sa dorm mamaya kaya gusto kong makapagpahinga na ngayon."

"AHH. SABE KO NGA EH! Ha-Ha-Ha. Sige, Sleep well." Aaaaaaaah! Isa na namang E-P-I-C-F-A-I-L-U-R-E!! -__-

Sabagay, bakit nga ba ko nagexpect sa isang katulad nyang saksakan ng kasweetan. Note the sarcasm. Binuksan ko na yung libro ko sa math. May KAI man o WALA. Tuloy ang laban. FIGHTING!!

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon