CHP38: 3 words, 8 letters, say it and i'm yours

4.3K 125 7
                                    

"Yung pakiramdam na nilalandi ka ni Mahal, utang na loob wag mong itigil. Nag-eenjoy ako eh. Haha." -DASURI

**

DASURI POV

"Anong sabi mo white? Babalik kana sa America bukas?! Iiwan mo na naman ako?!" halos maluha-luha akong nagtatanong kay Kevin oppa.

Nandito parin kami sa 7/11. Umupo muna sa kabilang table si Kai. Gusto daw nya kaming bigyang ng time para makapag-usap basta wala lang daw yakapang mangyayari. Tss. Possessive ang hubby ko.

"Oo. Tama yung rinig mo. Doon ko na lang tatapusin yung pag-aaral ko tutal doon na rin naman nakabase ang pamilya ko. Bumalik lang naman ako dito dahil sa...alam mo na. Pero ngayong alam kong may mag-aalaga na sa'yo. Wala na siguro kong dahilan pa para manatili dito. But don't worry choco, bibisitahin pa rin naman kita mga once or twice a year. Oh' di kaya ikaw naman ang bumisita sa'kin sa America. Isama mo 'yang asawa mo." sabay kaming napasulyap kay Kai.

"White, talaga bang buo na 'yang desisyon mo? Isang linggo pa lang kitang nakakasama tapos aalis ka na agad? Parang hindi naman ata tama 'yon." Ayaw ko pa syang umalis. Ang tagal naming nagkahiwalay eh. Malulungkot na naman ako kapag nawala sya sa tabi ko.

"Hindi mo lang alam pero halos ilang taon pa ang lumipas bago ko nakamove-on sa pag-alis mo. Kung hindi lang natuon ang atensyon ko sa mga idols siguro hanggang ngayon iniiyakan parin kita. Ikaw naman kasi! Basta ka na lang nawala. Hindi ka man lang nagpasabi. Nahirapan kaya kong mag-adjust noon. Dati-rati kasi kapag nagkakaproblema ko, dumadating ka agad pero nung nawala kana. Hindi ko na alam sino yung tutulong sakin." totoo 'yon. Halos gabi-gabi umiiyak ako. Hindi ko kasi matanggap na bigla na lang nawala sa tabi ko yung BESTFRIEND ko. Nasanay pa naman akong nakadepende sa kanya.

"Dasuri, marami nang nagbago. Kung sa tingin mo mangyayari ulit yung dati. Nagkakamali ka. Oo, malulungkot ka ulit sa pag-alis ko pero sandali lang 'yon. Isang buwan? Linggo? Baka nga araw lang. Hindi mo man napapansin pero hindi na ako yung kailangan mo. Saka mag-isip ka nga, kung hindi ako aalis dito. Gusto mo bang araw-araw akong nakabunto't sa inyo ni Kai? Hindi mo sya masosolo. Baka sa huli kami pa ang magkain-love-an. Sige ka!" medyo natawa ko sa sinabi nya. Hinampas ko nga sya sa braso.

"Baliw! Ano 'yon aagawan mo pa yung ka-OTP nya? Hala sige, isusumbong kita kay Kyungsoo Oppa. Magaling mag-jujitsu 'yon. Lagot ka. Haha." Tinawanan nya lang ako habang nakatingin sakin. Maya-maya pa'y kinuha nya yung kanang kamay ko.

"Dasuri Choi, wag kang magbabago ha. Lagi mong tatandaan mahal na mahal kita." Nagulat ako ng halikan nya yung likod ng palad ko habang seryosong nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang dapat sabihin.

"Bilang bestfriend mo syempre." Dagdag nya sabay ngiti. Medyo gumaan yung pakiramdam ko dahil sa sinabi nya.

"Ahh. Ikaw ah! Naloko mo ko 'don. Haha. Pero mahal na mahal din naman kita. Ikaw kaya yung white ko." Pipisilin ko pa sana yung pisngi nya kung hindi lang may biglang umubo sa gilid.

Napatingin ako kay Kai. Iniiwas nya lang yung tingin sa'kin. Nagpanggap pa syang parang walang nangyari. Ashush! Para-paraan din 'to eh. Binawi ko na yung kamay ko kay Kevin baka mamaya pag-awayan pa namin 'yon eh.

"Sige na. Alam ko namang kanina pa nagseselos 'yang asawa mo. At kanina ka pa din kating-kati na makasama sya." saad ni Kevin. Tinignan ko sya na may pagkaalinlangan.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon