CHP46: Trouble Maker

3.9K 91 2
                                    

"Denying is not the best escape because the more you hide, the more it kills you inside."

**

DASURI POV

Pumasok ako sa kwarto ko at agad kong kinuha ang cellphone sa mesa. Humiga ko sa kama at binuksan ang camera nito. Itinapat ko 'to sa palad ko. Pagkatapos kong kuhaan 'yung nakasulat 'don, pinost ko 'yon sa fb account ko.

Nilagyan ko pa 'yon ng caption na, 'Proud to be Mrs. Kim'

Napapangiti na lang ako kapag naiisip ko ang aking asawa. Kahit na napakamoody nya. At laging may expiration ang ka-sweet-an. Masaya parin akong pinakasalan ko sya.

Habang nakatulala ko sa kawalan. Narinig ko ang pagtunog ng cellphone, hudyat na may notification ako. Tinignan ko naman iyon.

*Kim Jong In likes your post.*

*Kim Jong In comment on your post*

Hala. Eto na naman 'yung role player ni Kai. Naaalala ko pa sya, sya 'yung feelingero na asawa ko. Tss. Talaga bang wala syang balak na tigilan ako? Binasa ko nga 'yung comment nya.

KIM JONG IN: I love you.

Ha! Akala nya ba sya 'yung tinutukoy ko sa post? Ang kapal ng mukha nya ah. Umayos ako ng upo at nireplyan sya.

**

KAI POV

Naisipan kong buksan ang fb account ko. Sakto namang nakita ko ang bagong post ni Dasuri. Napangiti ako nang mabasa ang caption nito.

'Proud to be Mrs. Kim'

Kasama pa nito ang litrato nang sinulat ko sa palad nya. Hindi ako nakatiis at nagcomment dito.

KIM JONG IN: I love you.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang hinihintay ang isasagot nya. Alam kong hindi naman talaga ko ganon. Ewan ko ba, pero mula ng makilala ko si Dasuri. May mga bagay akong nagagawa na ni minsan hindi ko naisip na magagawa ko pala. Kakaiba talaga sya.

Tumunog na ang cellphone ko. Tinignan ko 'yon at galing nga kay Dasuri ang notification. Excited ko namang binasa ang kanyang comment.

KAI WIFEY: I hate you!!!

THE HECK?! Eto talaga ang ibubungad nya sa'kin? Napabalikwas pa ko ng upo pagkabasa nito. I hate you? Nababaliw na ba sya? Nacomment akong muli.

KIM JONG IN: You must be kidding me, right?

Naghintay pa ko ng ilang segundo bago sya nagreply.

KAI WIFEY: Hindi 'no. Ayoko talaga sa'yo. Akala mo ba mahal kita?

The nerve! Ano ba 'tong pinagsasabi ni Dasuri? Pumuputok na ata ang mga ugat ko sa ulo dahil sa inis. Pero sinubukan ko paring habaan ang pasensya ko. Nagbibiro lang sya. Sigurado ko.

KIM JONG IN: Stop fooling around. Naiinis na ko.

KAI WIFEY: Hindi naman ako nakikipaglokohan sa'yo. Nagsasabi lang ako ng totoo.

KAI WIFEY: Wag ka kasing assuming.

KAI WIFEY: May mahal na kaya kong iba.

Okay, that's it. She's dead! Tumayo ko sa kama ko't lumabas ng kwarto. Makikita nya. Dasuri Kim. You're getting into my nerves.

**

DASURI POV

KIM JONG IN: Stop fooling around. Naiinis na ko.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon