CHP8: Missing You..

6.1K 136 2
                                    

"Ang taong nagkukunwaring hindi apektado, panigurado nasasaktan nang todo.."

 

**

SUHO POV

*Kreeeeeeng*    *Kreeeeeeng*    *Kreeeeeeng*

"Hindi mo ba sasagutin yan? Baka importante talaga yung sasabihin nyan sayo." Suhestyon ko kay Kai, kanina ko pa kasi napapansin yung pagtunog ng phone nya. Nagtataka nga ko bakit hindi nya sinasagot.

"Hindi. Wala lang 'to.." sabay patay sa phone nya at pasok nito sa bag nya.

"May problema ba?" tanong ko.

"Hmn.. ano masasabi mo sa Exo-M?" Tinignan nya ko sa mata. Halatang may bumabagabag sa kanya. Iniisip pa din ba nyang baka maging karibal namin ang Exo-M? Sabagay.. hindi ko naman sya magsisisi kung ganyan ang naging reaksyon nya. Simula kasi nang makilala ko si Kai, alam ko nang sobra ang dedikasyon nya sa pagsasayaw at sobra-sobra din ang pagpapahalaga nya sa grupo namin.

"Kai.. kung iniisip mong.." hindi na nya ko pinatapos. Tumayo na sya't pumunta sa gitna. Nilingon nya pa ko bago magsalita.

"Magpractice na nga tayo hyung!" Napangiti na lang ako. Matigas talaga ulo ng isang to. Dahil hindi naman sya makikinig sa sasabihin ko kaya minabuti na lang nyang wag ko nang ituloy yung sasabihin ko. Pasaway na bata!

Nagsimula na nga kami sa pagppractice. Seryoso ang lahat nang biglang may magpatay ng tugtog. Napatingin kami sa may gawa nun.

"Lumapit kayo dito. May sasabihin akong importante." Si manager. Seryoso yung itsura nya. Mukhang seryoso nga yung sasabihin nya.

"Eto nga pala si Mr. Han . Manager sya ng Exo-M." sabay turo sa katabi nyang lalaki. Sya nga yung nakita kong kasama ng M. pero bakit sya nandito? Anong kailangan nya samin?

Nagbow kami matapos naming makalapit sa kanila bilang paggalang.

"Nandito kami para ipaalam sa inyo na simula ngayong araw. Dito na din sa room na 'to magppractice ang Exo-M."

"Ano? Bakit po?" tanong ni D.O. nagulat kaming lahat sa sinabi ni manager.

"Napagpasyahan ng management na magkacomeback kayo in the same song. Same dance routine at the same time and place.."

"Hindi yun pwede." Napatingin kami kay Kai dahil sa sinabi nya.

"Nakahati na nga namin sila sa show kahapon. Pati ba naman dito? Hindi ako papayag."

"Kai. Huminahon ka.." pigil ko sa kanya.

"Hindi hyung. Sasabihin ko kung ano man ang gusto kong sabihin." Pagmamatigas nya.

"Itigil mo yan Kai. Nagiging bastos kana." –Manager

"I'm just telling the truth. Simula nang dumating sila dito. Nakikihati na sila sa dapat atin lang. Sinisimulan na nila tayong pabagsakin. WAG NGA KAYO—-*PAK!*"  Natahimik ang lahat. Walang nagsasalita. Nakahawak lang si Kai sa pisngi nya.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon