CHP2: Meeting my Secret Husband <3

8.9K 186 0
                                    

 

"Expect the unexpected.."

 

**

DASURI POV

 

"Nandito na ko!" Pumasok na ko sa bahay namin. Nakita ko naman agad si MARIA Unnie.

Anak sya ng mayordoma namin sa bahay. Mula kasi nang mag 18 na ko, kinailangan ko nang bumukod sa pamilya ko. At dahil hindi naman ako marunong ng gawaing bahay. Pinasama sya sakin para daw siguraduhing mabubuhay pa ko. Haha. Matanda sya sakin nang 4 na taon pero maganda sya. Promise.

"Oh.. Dasuri." Sabi nya pagkakita nya sakin.

"Unnie,  nandyan na ba sya?" excited kong tanong.

"Sino? Ahh.. Oo kanina pa. Natutulog na nga ata." Sabi nya habang nagaayos ng hapunan namin.

"Ganun po ba? Mukhang napagod po sya ah. Ahmm.. Sige. Magpapalit muna po ko sa taas." Kalungkot naman, akala ko pa naman makikita ko na sya. Hindi ko tuloy mapigilang mapabuntong hininga. Haayst!!.  Nasa ikalawang baitang na ko ng hagdan nang marinig kong magsalita ulit si Unnie.

"Ah. Dasuri, pwede bang ikaw na gumising kay—-" hindi ko na sya pinatapos at nilingon sya na may malapad na ngiti.

"Sure Unnie! Ako nang bahala. Hehe." Grabe. Hulog talaga ng langit si unnie. Napansin kong napangiti pa sya dahil sa ginawa ko. Bakit ba.. excited na kong makita sya eh. Kaya hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa at tumakbo na ko paakyat. Nang makarating na ko sa taas, nilagpasan ko yung kwarto ko at dumiretsyo sa katapat nitong kwarto.

Kakatok na ba ko? Teka. Ano ba itsura ko? Kinuha ko muna yung salamin sa bag ko at nagayos bago kumatok. Syempre dapat presentable.

 

      *tok*        *tok*

 

*No respond.....*

Mukhang tulog nga ata? Matry nga ulit.

 

*tok*        *tok*

 

*no respond........*

 

        *tok*        *tok*

 

*no respond..............*

ANO BA YAN?? Binangungunot na ba sya? Bakit ayaw nyang buksan? Bahala na nga, pupwersahin ko na lang to. Masira na ang masisira. Umatras ako nang kaunti para buwelo.

 

Ok

 

1.

 

2.

 

3.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon