CHP48: Agony

3.4K 87 3
                                    

"Two reasons why we lose people:

We lose them because it meant to happen,

And we lose them because we let it happen."

[Song for this chapter: KUNIN MO NA ANG LAHAT SA AKIN.

Check it on the multimedia.]

**

KAI POV

"You are casted for the newest episode of 'We Got Married'." She paused for a while then continues again.

"Together with Yuri."

Hindi ako makapaniwala nang marinig ang mga katagang iyan. Alam kong hindi magiging madali para samin ni Dasuri ang mga kakaharapin naming pagsubok, pero bakit kailangang umabot sa ganito? Bakit kailangang si Yuri pa?

"Ayoko. Hindi ako papayag," pagtanggi ko.

"Pero Kai, eto lang ang paraan para maayos na ang lahat." Pagpupumilit pa nya.

"Bakit si Yuri? Bakit hindi na lang ibang babae? Bakit sya pa?" hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Hindi ko kasi talaga maintindihan. Sa dinami-dami naman ng pu-pwede kong makapareha, bakit ang babaeng minahal ko pa?

"Dahil sa nakaraan nyo. Yuri talked to our management and confessed about your past relationship. Dahil 'don naisipan nilang magandang gamitin ang nakaraan nyo para matakpan ang tungkol sa kasal mo. Ang pagsamahin ang dalawang taong nagmahalan dati sa iisang bubong, alamin ang tungkol sa nakaraan nila. Diba mas interesting 'yon kaysa sa isang isyung wala namang malakas na basehan?" hindi ako sumagot. Walang lumabas kahit isang letra sa bibig ko. Tanging pagtitig lang sa mga mata nya ang nagawa kong itugon. Napabuntong-hininga naman sya.

"Alam kong mahirap 'to para sa'yo. Ayoko rin naman 'tong ginagawa ko eh. Hangga't maari ayokong mangialam sa personal nyong buhay pero wala na kong magagawa, mukhang kailangan mo talagang pumili." pinisil pa nya ang kamay ko para iparamdam ang pagdamay sa'kin.

"Pwede mo namang hindi sundin ang gusto nilang mangyari pero may mga consequences na kapalit 'yon." Alam ko ang ibig nyang sabihin. Ang tungkol sa kinabukasan ng grupo ko.

"I will give you enough time para makapag-isip-isip. Tawagan mo na lang ako kapag nakapagdesisyon kana."

Lumabas ako sa kwartong kinaroroonan ni noona na wala sa sarili. Dinaanan ko lang ang mga kasama ko habang ramdam ko ang mga pagtitig nila sa'kin. Sinubukan pa kong kausapin ni Kyungsoo hyung.

"Kai, kamusta ang pag-uusap nyo ni noona?"

Pero wala ko sa wisyo para pagtuunan pa 'yon ng pansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pansin ko pa ang pagtitig sa'kin ni Suho hyung na halatang nagtataka rin sa kinikilos ko.

Naguguluhan na ko. Ano ba talaga dapat ang maging desisyon ko?

**

YURI POV

"Good morning ma'am," bati ko sa babaeng nakaupo sa gitna ng kwartong pinasukan ko. She looks younger than her age pero kahit ganon, you will definitely respect her because of her attitude.

Ilang beses kong pinag-isipang mabuti 'tong gagawin ko. I know it will cause me a lot, pero kung eto lang talaga ang paraan para mabawi ko sya, I'll take a risk.

"Good morning din iha. Please take a seat." Alok nya sa'kin ng mauupuan. Tinanggap ko naman iyon.

"My secretary told me na may gusto ka raw sabihin sa'kin. And sinabi din nya sa'kin na involve dito si Kai ng Exo?" bigla kong kinabahan nang maalala ang sadya ko sa kanya. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon