CHP25: EXO

4.9K 108 6
                                    

"If one of us falls, We all fall." –EXO

**

AMBER POV

Nakarating na ko sa address na itinuro sa akin nung fan ni Suho. Nakarating ako sa isang building na hindi naman ako familiar. Sana lang talaga tama ang information na sinabi nya. Pero kailangan ko ding mag-ingat na hindi makita ni Dasuri kundi sayang lahat ng pinaghirapan ko.

Papasok pa lang ako ng building nang may makasalubong akong babae. Nakasuot sya ng puting t-shirt na may picture ni Kai sa gitna. Kinausap ko sya ng magkalapit kami.

"Miss, sandali. Galing ka ba sa loob? Nakita mo ba ang EXO dyan?" nilingon naman nya ko.

"Not really. But I saw Kai oppa and a jerk guy. Why?"

"Ah. Nothing thanks for the info." Nagsimula na syang maglakad. Papasok na din sana ko sa loob nang marinig ko ulit syang magsalita.

"Ahh. Can I ask you something? When a boy grabs a girl's hand and they both leave the place. Would you consider them as a couple?" napaisip naman ako sa tanong.

"Uh' yeah? Kasi kung hindi sila bakit hahawakan ng lalaki yung kamay nung babae tapos sinama pa nya ito sa pag-alis. Diba?" tumango-tumango naman sya sakin.

"You have a point. Thank you." Sabay lakad na palayo. Ang weird naman nya.

Hindi ko na pinansin pa yun at nagdirestsyo sa loob. Sakto namang nakita ko si Mr. Han na papasakay na ng kotse nya. Nilapitan ko sya kaagad. "Mr. Han, sandali lang. pwede ko po ba kayong makausap?"

"Oh' Amber. Nagkita ulit tayo. Ano ba yung gusto mong pag-usapan natin." Bakit parang namamaga ata yung mata nya. Umiyak ba sya?

"Uhh. Ang totoo nyan, gusto ko pong ibigay sa inyo 'to." inabot ko sa kanya ang isang maliit na envelop. Tinanggap naman nya ito.

"Saka nyo na lang po buksan yan kapag mag-isa na lang kayo. Saka.. ano.. sa tingin ko, hinihintay nya pa rin kayo. Sige po. Bye." Nakita ko pang nagtaka sya sa mga sinabi ko. Hindi na ko nag-abalang magpaliwanag pa. Baka makita pa ko ni Dasuri. I'm sure naman na maiintindihan nya rin agad yun.

**

DASURI POV

*KREEENG* *KREEENG*

Hinagilap ng kamay ko yung cellphone kong tunog ng tunog. Nang makapa ko na ito hindi ko na tinignan kung sino yung tumatawag at sinagot na ito agad. "DASURI!!!!!!!"

"AAAAAH!" nahulog pa ko sa kama dahil sa gulat nang may sumigaw sa kabilang linya. Sino ba 'tong kay aga-aga nambubulahaw agad? Umayos naman ako ng upo at muling binalik sa tenga ko yung cellphone. "Hello? Sino ba 'to? Bakit ka naninigaw?"

"T-Teka! Wag kang mang-agaw!" kumunot ang noo ko nang marinig ang sagot ng kausap ko. Para kasing may umagaw ng cellphone nya. Wala na tuloy akong nagawa kundi silipin yung pangalan ng caller.

"Si Soyeon lang pala." Kinakamot ko pa yung ulo ko habang sinasabi yun. "Hello? Nandyan ka pa ba?" tanong ko ulit.

"Oo. Nandito na kami. I'm giving you 20 minutes to go here. Kapag wala ka pa within that time. YOU'RE DEAD!! Toot-toot." Eh? Parang si Krystal yung narinig kong nagsalita. Gumapang akong muli paakyat sa kama ko para ipagpatuloy ang naudlot kong tulog. Ano kaya yung mga pinagsasabi nya hindi ko naman maintindihan. Wala siguro syang magawa ngayong Sabado...............

"Wait... SABADO NGAYON??" Napabalikwas ako ng upo at may inalala sa nakaraan.

"Ano kasi.. Asdhdsjdsgja" bulong ko kay Amber tungkol sa dahilan kung bakit hindi ako makakasama sa meeting namin para sa project kay miss. Shin.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon