CHP45: Second Wife?

4.2K 102 4
                                    

"All relationships had problem. It just depends if you two are strong enough to get through them together."

**

DASURI POV

"And you know what Dasuri, dahil kaibigan kita. I will tell you a secret. A little secret of mine."

"I am his wife too."

Para kong sinaksak nang kutsilyo sa dibdib matapos marinig ang sinabi ni Yuri Unnie. Anong ibig nyang iparating sa mga sinabi nya? S-si Kai ba.. S-si Kai ba 'yung tinutukoy nya?!

Hinarap ko sya't tinitigan sa mata. Nginitian nya lang ako nang may halong panunuya. N-Nahihilo ko, nanghihina ang mga tuhod ko Pakiramdam ko hihimatayin na lang ako bigla.

Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Hindi na kaya nang utak ko i-absorb ang mga pangyayari. Masyado na kong naguguluhan. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat paniwalaan.

**

KAI POV

"May alam kaba dito noona?" napapitlag pa si noona nang marinig ang boses ni Suho hyung. Hindi nya siguro inaasahang tatanungin sya ni hyung.

"Yes, but I chose not to say this to anyone. Sa tingin ko kasi hindi ako 'yung tamang tao para magsabi sa inyo nito. I'm sorry." kahit nagulat she managed to answer calmly.

"Sino pa ang nakakaalam ng tungkol dito?" singit naman ni Kyungsoo. Nagkatinginan kami ni Kris. Dahan-dahan syang nagtaas nang kamay.

"Me and Mr. Han."

"WHAT? Ibig sabihin nauna pang nalaman ni Kris ang tungkol sa kasal mo kaysa saming mga kagrupo mo?" tumayo si Suho hyung at lumapit sa'kin. Tinitigan nya ko sa mata.

"Alam mo nakakatawa ka Kai, dati-rati inaayawan mo pa sila tapos ngayon malalaman namin na mas pinagkatiwalaan mo pa syang magtago ng sikreto mo kaysa samin. Sabihin mo nga, kaibigan ba talaga ang turing mo samin ha?!" tinulak-tulak pa nya ang kaliwang balikat ko. Hindi ako kumibo. Hinayaan ko lang syang ilabas ang galit nya. Pinigilan naman sya ng iba.

"Tama na hyung. Walang magandang maidudulot kung magkakasakitan pa kayo." Hinawakan ni Sehun sa braso si Suho hyung. Hindi naman nagpatinag si hyung at kinuwelyuhan pa ko. Tumayo na rin ang iba't sinusubukang paghiwalayin kaming dalawa. Nanatili parin ako sa pwesto ko. Tatanggapin ko lahat ng masasakit na salita, mga suntok, sipa at kung anu-ano pa wag lang nilang ilalayo sa'kin ang asawa ko.

"SABIHIN MO NGA! PATI BA 'YUNG PAGKAKAKILALA NAMIN NI DASURI AT PAGRECRUIT KO SA KANYANG P.A NATIN. LAHAT BA 'YON PLINANO NYO, HA?! KUNG GUSTO NYONG MAGKASAMA BAKIT PATI AKO GINAMIT NYO?! PINAGMUKHA NYO KONG TANGA! GINAGO NYO KO!!" nakailang-yugyog pa sa'kin si Hyung bago nila napagtagumpayang ilayo 'to sa'kin. Kitang-kita ko sa mata nya ang sobrang galit. Halos maiyak na sya sa sobrang inis. Wala kong magawa kundi humingi lang ng tawad nang paulit-ulit.

"BITAWAN NYO NGA KO! ANO BA!" tinanggal nya ang pagkakahawak sa kanya nila Sehun at saka tumingin sa'kin ng diretsyo. Muli syang lumapit sa'kin. Hinanda ko na ang sarili ko sa suntok na ibibigay nya pero nagulat ako nang huminto lang sya sa harap ko. Pinagtama nya ang mga mata namin.

"Tandaan mo 'to. Nagsisisi akong nagtiwala ko sa isang katulad mo." binangga nya ko sabay labas ng pinto. Nagsisunod naman sa kanya ang iba.

Biglang nawala lahat ng lakas ng loob na meron ako kanina.

"Suho hyung."

"Hyung!" isa-isa silang nagsilabas at hinabol ang leader namin. Hindi na ko umimik pa't hinayaan na lang sila. Napatingin naman ako kay Sehun na huminto sa harap ko.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon