Epilogue

7.6K 137 30
                                    

Month Past...

"Mr. Kim, I have a question for you." Pahayag ng isa sa mga reporter na pumunta sa press conference ni Kai kasama ang iba pang cast nang kauna-unahang Tv series na kanyang pagbibidahan. Tumayo ito at tinanggap ang mga atensyong itinuon sa kanya. Ngumiti pa ito bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Sobra ang tagumpay na na-abot ng grupo mong Exo at hindi rin makakaila ang pagiging successful ng career mo pagdating sa pag-acting. Patunay 'don itong kauna-unahang Tv Series na pagbibidahan mo ngayon. Pero kahit ganon, may mga balita-balita na kumakalat di lamang sa social networking site ngunit maging sa aming mga taga media. Maari nga kayang ito na ang una at huling beses kang bibida sa isang palabas sa kadahilanang lalagay kana sa tahimik? Kung OO, sino naman ang maswerteng babaeng iyon? At handa ka ba talagang iwan ang lahat ng meron ka para lang makasama sya?"

Napangiti si Kai nang marinig ang tanong sa kanya. Hindi kagaya dati, hindi na sya kinakabahan at natatakot sa tuwing mapag-uusapan ang personal nyang buhay. Mas naging open na sya at walang itinatago pagdating sa bagay na iyon. Makalipas kasi ang ilang buwan pagkatapos ng huling pag-uusap nila ni Dasuri. Marami-rami na rin ang nagbago sa buhay nya at buhay ng mga kasama nya.

....

"Sa'an mo ba ko dadalhin?" tanong ni Soyeon sa lalaking kanina pa humihila sa kanya.

"Bakit mo ba talaga ko dinala rito? Diba dito 'yung resort na pinuntahan natin dati?" manghang tanong muli ni Soyeon nang makilala ang lugar na kinaroroonan nila. Inaya? Uh' scratch that. Kinidnap pala sya ni Chen pagkalabas ng unibersidad na pinapasukan nya ngayon at kinaladkad kung saan. Mula nang magkagulo dahil sa pagkakabunyag ng tungkol sa kasal ni Kai at Dasuri noon, nagpatuloy ang buhay. Pumasok sa magkakaibang unibersidad ang magkakaibigang Soyeon, Amber at Krystal. Samantalang ang Exo ay nagpatuloy sa kanilang mga career. Pero kahit ganon, paminsan-minsan ay nagkakausap at nagkakasama parin ang mga ito.

"Napansin mo rin sa wakas," Sagot naman ni Chen matapos lumabas ng kotse at nilapitan ang kausap.

"Anong gagawin natin dito?" tanong na namang muli ni Soyeon. Hindi sya sinagot ni Chen sa halip ay hinawakan ang kanyang kamay at saka 'to hinila paalis sa pwesto nila. Patuloy lang sila sa paglalakad na lalo lang ikinabahala ni Soyeon.

"Teka nga! Saan mo ba talaga ko dadalhin?!" hinila ni Soyeon ang kamay nya para mabitawan 'to ni Chen. Napahinto naman si Chen sa paglalakad at hinarap sya.

"Kim Jongdae! Ano na namang kalokohan 'to?!" nakataas na ang kilay ni Soyeon habang nakacross-armed. Hindi naman naalarma si Chen sa reaksyon ng kasama. Nakuha pa nga nitong ngumiti bago muling kunin ang kamay ni Soyeon.

"Easy ka lang. May gusto lang akong ipakita sa'yo." Hinila nya muli si Soyeon at nagpatuloy sa paglalakad. Wala namang nagawa ang dalaga kundi ang sumunod na lang rito.

"Nandito na tayo." Masayang saad ni Chen nang makarating sila sa isang lumang kubo, hindi kalayuan sa resort na tinuluyan nila noon.

Ano kayang binabalak ng isang 'to? bulong ni Soyeon. Nilibot pa nya ang kabuuan nang kubo gamit ang kanyang mga mata. Halatang wala ng gumagamit 'non. Bakas kasi sa buong paligid kung gaano na 'to katagal. Pero ang talagang nakakuha ng atensyon nya ay ang mga larawang nakadikit sa pader nito.

Nakapalibot sa buong paligid ang mga larawan na siguradong ngayon pa lang inilagay. Tinignan nya si Chen na may halong pagtatanong sa kanyang mga mata. Ano kayang gusto nyang ipahiwatig sa mga 'to? isip-isip pa nya.

"Nagustuhan mo ba?" tanong sa kanya nito. Hindi naman sya nakasagot agad. Naguguluhan si Soyeon at hindi malaman ang dapat isagot. Dahil hindi naman sya nagsasalita kaya minabuti na lang ni Chen na hilahin syang muli papalapit sa mga larawan sa pader.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon