CHP53: Love Me Like You Do

3.6K 99 1
                                    

"You're the light, you're the night.

You're the color of my blood,

You're the cure, you're the pain,

You're the only thing I wanna touch,"

**

KAI POV

"Pano, aalis na ko? Salamat sa magandang pagtanggap nyo sa'kin dito sa munti nyong bahay. Pasensya na rin sa nagawa kong abala."

Kasalukuyang nasa tapat kami ng pinto. Ihahatid na namin si Noona, nagpaalam na kasi 'tong aalis na.

"Wala 'yon unnie. Masaya nga kong dumating ka. Nakakatamad naman kasi dito sa loob ng bahay." Nakangiting sagot ni Dasuri.

"Well, bakit kasi nagbuburo kayong dalawa dito. Bakit hindi kayo lumabas at mamasyal-masyal? Malapit na ang pasko kaya siguradong marami kayong pu-pwedeng puntahan."

"Ewan, Tamad kasi 'yung isa dito eh." Sinulyapan pa ko ni Dasuri saglit saka muling humarap kay noona.

"Haha. 'Yan ang mahirap labanan. Katamaran. Oh sya, Aalis na talaga ko. Bye." Tuluyan na ngang umalis si Noona sa harap namin. Kumaway pa 'to samin bago makalayo.

Pagkaalis na pagkaalis nya, tinitigan ko agad si Dasuri. Alam kong narinig nya lahat ng sinabi ni noona. Hindi nya 'yon makakaila sa'kin.

"Hayyst. Nakaalis na si Noona. Ano kaya pwedeng gawin?" hindi nya ko nilingon at nauna nang bumalik sa sala. Sinundan ko naman sya.

Nang mapunta kami sa tapat nang sofa, I grabbed her hand. Huminto naman sya at dahan-dahan akong nilingon.

"Bakit?" Nakangiti nyang tanong.

"Yung tungkol 'don sa narinig mo kanina." Pag-uumpisa ko. Binitawan ko na 'yung kamay nya nang humarap na 'to sa'kin. Nakatingin lang sya sa'kin na para bang walang iniindang anuman.


"Alin?" maang-maangan pa nya. I look straight to her eyes.

"Alam kong alam mo 'yung tinutukoy ko." tinitigan nya lang ako. Mukhang wala talaga syang balak umamin.

"Alam mo rin bang nawe-weirduhan ako sa'yo? Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo? Ahh. Alam ko na 'yung tungkol sa mga larawan mong kasama ang iba't-ibang babae? Ashush. H'wag kang mag-alala, hindi ako naniniwala 'don. Subukan mo lang 'no. Patay ka sa'kin." Itinaas pa nya 'yung isa nyang kamao para ipakita sa'kin. Tumawa pa sya nang mahina habang sinasabi 'yon.

"Ahmm, may gagawin nga pala ko sa taas. Akyat lang ako saglit ah?" hindi na nya hinintay ang sagot ko. Umakyat na sya nang hagdan at nagdire-diretsyo sa kwarto nya.

Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatingin sa kanya. Kahit ilang beses pa syang ngumiti sa harap ko. Hindi 'non matatago ang katotohanang nasasaktan sya.

**

DASURI POV

Ilang oras na ang lumipas pero nakakulong parin ako sa kwarto ko. Nakahiga lang ako sa kama habang yakap-yakap si Kauru. Ayoko munang lumabas, gusto ko munang mapagisip-isip.

Ayoko nang ungkatin pa 'yung tungkol sa narinig kong usapan nila ni Unnie pero hindi rin naman ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman ang totoo. Hayyst! Ano ba talaga ang dapat kong gawin?

Binuksan ko 'yung computer at nagsimulang mag-spazz. Bumungad agad sa'kin ang mga balita tungkol sa pansamantalang pagpapahinga ni Kai sa activities nang Exo.

'Exo member Kai is not attending any activities of his group.'

Matapos nyang bawiin ang pagsali sa reality show na We Got married. Hindi na 'to nakita pa sa kahit anong aktibidad ng kanyang grupo. Marami ang naging haka-haka na marahil ay tinanggal na sya sa grupo dahil sa sunod-sunod na issue na kinasangkutan nya. Maalala nating nabalita noon na ito'y may asawa na. Hindi naman 'yon itinanggi at kinumpira ng kanyang agency. Marami tuloy ang naniniwalang marahil ay totoo nga ang issue na iyon.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon