CHP1: She is Secretly Married to Her Bias

27K 334 22
                                    

*#*#*#*#*#*#*#**#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#

"Secretly Married To My Bias"

*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#*#

OWNED BY:

^Rakki_Asteri^

(^O^)v..

Prologue..

GUSTO MO BANG MAPANGASAWA SI BIAS?!

Pano kung mabigyan ka nang chance.. pero as a SECRET WIFE lang..

KAKAYANIN MO BA?!

May mga bagay sa mundo na pinipilit nating makuha pero ni minsan ba natanong mo na sa sarili..

Handa nga ba ko sa mga responsibilidad na kaakibat nito?

Always remember..

"Every rights and power has an equal responsibility, so be careful of what you wish. Because you might get it.."

**

PAALALA :

Ang storyang ito ay bunga lamang nang pinabotox na utak ni Authoree :) Bagama't ako'y gumamit ng pangalan ng mga tunay at kilalang tao, ito'y HINDI nangngahulugang inilalarawan na nito ang buo nilang pagkatao. Dahil lahat ng pangyayari, paguugali ng mga karakter, at kalabasan ng storyang ito ay nakabase lamang sa takbo ng utak kong liko-liko. Sana'y lubos nyo akong naunawaan. Yun lamang at salamat!! *O*

----------------------------------------

CHAPTER ONE : She is secretly married to her Bias.

"Lucky is the man who is the First Love of a woman.. but Luckier is the woman who is the Last Love of a man.."

**

DASURI POV

It's School day again and ito din ang unang araw ko sa bago kong school pero HINDI ako EXCITED! Bakit? Pano mababawasan na naman ang time ko sa FANGIRLING. Aww. So sad.

Pero ang mas matindi, kaninang Flag ceremony pa lang tinatatak na sa utak namin na dapat maging handa sa kahaharapin namin pag dating ng college.

Like Duh?! As if naman na parang giyera ung pupuntahan namin after graduation. MAG-AARAL LANG NAMAN ULIT KAMI! Hindi naman sa rebelde ako. Sadyang naniniwala lang ako sa kasabihang.. "We Only live once.. So find your Bias and get married!" Hoho~

At gaya nang isang normal na high school student, marami din akong hinahangaang tao na nakakapagbigay sakin ng INSPIRASYON.. Pero hindi sila Aristotle, Mozart, Newton oh.. kahit sino pang henyo ng nakaraan.

Dahil...

"Ako si DASURI KIM. At balang araw, magiging mabuting MAYBAHAY ako ng bias kong si KAI." Super proud kong litanya sa buong klase pero imbes na palakpakan ang itugon nila. Mga Halakhakan at tawanan ang namutawi sa loob ng classroom. Bakit, may mali ba sa sinabi ko? Nagpakilala lang ako sa paraang GUSTO ko.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon