CHP58: Let me the one

3.3K 77 4
                                    

"Let me be the one to break it up, so you won't have to make some excuses."

**

KAI POV

"Aalis ka?" tanong sa'kin ni Dasuri nang makita nya ko pagkababa ng hagdan. Kasalukuyan syang nakaupo sa sala at nanunuod ng pororo. Hindi ko mapigilang mapangiti. Napakaisip-bata talaga ng asawa ko.

"Oo, pero babalik din agad ako bago magtanghalian." Sagot ko naman habang binubutones 'yung dulo ng suot-suot kong pink long sleeve, na pinartneran nang gray pants with the same color of shoes. Naramdaman ko ang pagtayo nya mula sa sofa at paglapit sa akin.

"Wow, ang gwapo ng asawa ko ah. At ang bango pa." saad nito habang inaayos ang collar ng damit ko. Ngumisi naman ako sa harap nya.

"Sabi na nga ba naaapektuhan ka rin ng charms ko." Isa-isa kong kinuha ang kamay nya at inilagay 'to sa aking balikat. "Pero gusto ko paring malaman. Sino nga ba ang mas gwapo para sa asawa ko."

"Si Sehun," I put my hands on her waist.

"Oh' Ako?" hinigit ko sya papalapit sa akin and look at her eyes. Gusto kong sagutin nya ang tanong ko habang nakatitig sa aking mga mata. Narinig ko naman ang bahagya nyang pagtawa.

"Hanggang ngayon ba naman. Issue parin 'yan?" nakanguso nyang tanong.

"Yeah, so answer me wisely my wife." Sagot ko.

"Hmmm." Itinaas nya ang kanan nyang kamay at dahan-dahang hinaplos ang aking mukha. Mula sa pisngi ko, papunta sa ilong, at pababa sa aking labi. Hinawakan nya ang mga iyon habang titig na titig sa akin. Hinyaan ko lang sya dahil mataman ko rin namang pinagmamasdan ang mga ngiti nyang kaygandang pagmasdan.

"Hubby, napakasaya ko ngayon" naulinigan kong sambit nya.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Natupad na kasi 'yung isa sa mga pangarap ko. Dati iniisip ko, ano kaya 'yung pakiramdam na makasama 'yung bias mo. 'Yung tipong hindi mo kailangang lokohin 'yung sarili mo. Dahil alam mo, at sigurado ka na ikaw 'yung tinitignan nya, ikaw 'yung nginingitian nya at nasasayo lang ang atensyon nya."

"Ang hirap kasi 'nung kahit sa simpleng pag ngiti nya, alam mong may kahati ka. Ganon kahirap ang pagiging fangirl, kaya ikaw, hangga't maari iwasan mong masaktan ang mga fans mo. Ingatan mo sila gaya ng ginagawa mo sa akin."

"Ginagawa ko naman ah?" ipinagdikit ko ang mga ilong namin at pinagkiskis ito, "Sadyang imposible lang talaga na lahat sila ay mapagtuunan ko ng pansin. Gustuhin ko mang magkasama ang bawat isa sa kanila, at tumbasan ang pagmamahal na ibinibigay nila sa akin. Hindi ko parin maitatangi na para lang sa iisa ang puso't katawan ko. Sa iisang babaeng pinakasalan ko," nakita ko ang pag ngiti ni Dasuri nang marinig ang sinabi ko.

Hinalikan ko ang ilong nya saka muling nagsalita. "At ikaw 'yon, mahal ko."

Mula sa mga mata nya, ibinaba ko ang tingin ko patungo sa mapupula nyang labi. Unti-unti kong binabawasan ang espasyo sa pagitan ng aming mga labi. Ipinikit nya ang kanyang mga mata para ipaubaya ang sarili.

Hindi naman nagtagal ay dahan-dahan ko na ring ipinipikit ang aking mga mata habang unti-unting nagtatagpo ang aming mga labi.

Ayokong saktan ang mga fans ko, pero sana maintindihan nila na.. kaming mga IDOLS, we can be their prince but, NOT their MAN.

**

DASURI POV

"Bye, Ingat ka ha. I love you." Isinara ko na 'yung gate ng bahay namin matapos makalabas rito ang kotse ni Kai. Kinawayan ko pa sya kanina habang papalayo sya sa akin.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon