CHP39: Friend-zoned

4.1K 107 0
                                    

"Hindi kasalanan ng isang tao na minahal ka nya, may kasalanan ka rin dahil pinakita mo na dapat ka nyang mahalin."


**

DASURI POV

"Dasuri, gumising kana. May pasok ka pa. Baka mamaya nyan malate ka sa klase mo." pagmulat ko nakita ko si Maria Unnie na ginigising ako. Kinuha ko lang yung kumot sa tabi ko saka nagtalukbong muli.

"Naku. Ikaw talagang bata ka. Sige, isusumbong kita sa asawa mo. Sasabihin ko ayaw mo na namang pumasok." Hindi ako nagpatinag sa pagbabanta ni Unnie. As if naman na masusumbong nya ko. I'm sure naman na nasa condo nila si Kai. May schedule kaya sila ngayon.

"Akala mo ba hindi ko gagawin 'yon? Makikita mo."

Blah-blah-blah. Hindi parin ako matatakot. Biglang tumahimik ang buong paligid. Mukhang sumuko na si Maria unnie. Mabuti naman. Ang sarap kaya mahiga dito sa kama ni hubby. Naaamoy ko yung pabango nya para tuloy katabi ko lang talaga sya. Niyakap ko si Kauru nang mahigpit.

"Hubby, mahal na mahal din kita." Sabi ko sabay giggle. Haha.

Patulog na sana ko ulit nang biglang may humawak sa braso ko. Hindi ko alam kung sino 'yon kasi nga nakatalukbong ako ng kumot. Pinakiramdaman ko pa 'yon sandali nang may marinig akong nagsalita.

"Dasuri, bumangon ka na dyan!" napabalikwas ako nang marinig ang boses ni Kai.

Dali-dali kong hinahanap kung nasa'an sya. Pero nadismaya lang ako nang maintindihan ang nangyayari. Wala talagang Kai. Si unnie yung humawak sa'kin tapos tinawagan nya si Kai gamit yung phone ko. Ni-loud speaker nya 'yon para marinig ko yung sasabihin ni Hubby. Psh.

( Sino nagsabi sa'yong pu-pwede kang umabsent ngayon? Get up and fix your things. Sa ayaw at gusto mo, papasok ka.)

I rolled my eyes for disapproval. Hindi ko pa rin kasi feel ang pumasok sa school. Kahit pa sabihin na'ting nagkabati na kami ni Kai. Meron parin kasing issue sa pagitan ko at ng mga kaibigan ko.

Hindi naman sa galit parin ako sa kanila, ano lang...nahihiya lang ako. Hindi ko kasi alam kung paano ba ko kikilos kapag nakaharap ko na ulit sila. Ano ba yung una kong sasabihin? Dapat ko parin ba silang kausapin? O hahayaan ko na lang na hanggang ngayon magkakaaway parin kami? Hasyt. Ang hirap naman ng ganito.

"Pero Hubby, ayokong pumasok eh. Dati naman ako yung nagde-decide kung papasok ako o hindi. Hindi mo naman ako pinapakialaman 'non eh." pagmamaktol ko. Totoo naman kasi. Medyo natawa si unnie sa sinabi ko. Pinigilan nya lang ito nang napatingin ako sa kanya.

( Noon 'yon. )

"Bakit may pinagkaiba ba?"

( Oo. Dahil noon iba pa ang prayoridad ko. Hindi katulad ngayon na...umm. Basta. Sundin mo na lang kasi yung gusto ko para sa'yo din naman 'yon. )

Parang umurong yung dila ko. Pakiramdam ko may automatic blush on na sa magkabilang pisngi ko. Nakita ko pa si unnie na nakangiti sa'kin. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Para kasing sinasabi nyang 'masaya sya para sa amin ni Kai.'

Tumayo na ko mula sa kama. Kinuha ko si Kauru, isinama ko sya palabas ng kwarto.

"M-mag-aayos na ko." sabi ko habang hindi nililingon si unnie. Dire-diretsyo lang ako palabas ng kwarto ni Kai. Narinig ko pa nga syang magsalita.

"Hello, Jong In. Oo, bumangon na sya. Salamat." Hindi ko na pinansin 'yon. Nakakainis kasi. Bakit kailangan pa nyang sabihin 'yon? Pwede namang sungitan na lang ulit nya ko baka mas nakeri ko pa 'yon kaysa sa ganito...pinapakilig nya ko. Aiish.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon