CHP23: DREAM

4.3K 123 6
                                    

"Pareho lang tayo Kai, dahil sa kagustuhan nating maabot ang pangarap natin, nasasaktan na natin ang mga taong tunay na nagmamahal sa'tin." -KRIS

**

YURI POV

"Nakikinig ka ba? Baka nagsasayang lang ako ng laway dito." Narinig kong wika ng kaibigan kong si Jessica.

"I'm sorry. Ano ulit yun?" Lutang na naman ang utak ko kakaisip kay Kai. Yeah, I'm thinking of him again.. and again.

"Hayst. Sabi na eh. Pinasasabi ni manager na ikaw daw ang isa sa mga special mc sa music core sa araw ng comeback ng Exo."

"What? Bakit ako?!" hindi ko mapigilang magulat sa sinabi nya.

"At bakit naman hindi ikaw? Ok nga yun eh. Atleast masusuportahan mo pa ang mga dongsaeng natin. Do your work as a sunbae."

"You don't know what your talking about." Tumayo ako at umalis sa harap nya.

What you heard is right, wala silang alam. Wala.. because it already ended before it may started.

**

KRYSTAL POV

"Lagot tayo! Pano pag nalaman ni Miss. Shin yung tungkol sa sikreto ni Dasuri? Naku! For sure kakalat na yun sa marami. Malalathala sa lahat ng news papers. Mababalita sa lahat ng news station at magiging hot topic sa mga social and networking site. Syempre, maaapektuhan ang comeback ng Exo-K. Masisira lahat ng pinaghirapan nila. Bababa ang stock ng SM Ent. Dahil dun idi-disband na sila, magdi-divorce sina Dasuri at Kai. Maiistress si ateng, maoospital at---waaaah! No way!!!" I looked at Soyeon with a disgusting face. Eh mukhang mas mauuna syang mamamatay kaysa kay Dasuri base sa pinagiisip nya.

"Shut your mouth. Hindi ka nakakatulong alam mo yun?" sita ko sa kanya. Pinagpasyahan kasi naming hintayin si Amber sa bench area ng school. Wala tuloy akong choice kundi pagtyagaan ang babaeng 'to.

"Eh' sa kinakabahan ako. Ikaw kasi wala kang pakialam." Hindi ko na sya sinagot. Hahaba lang ang walang sense naming usapan.

Nanahimik kami ng ilang segundo at hindi nag-imikan. Buti na lang at dumating na rin si Amber. Agad-agad namin syang pinaupo sa gitna namin.

"What happen? / Anong nangyari?" sabay naming tanong.

"Nalaman na ni ma'am? / Does she know already?"

"Teka nga! Isa-isa lang pwede? Mahina ang kalaban. OO. YES. Alam na nya." Nanlumo kami pare-pareho dahil sa sinabi nya. Game over. We are all dead!

"Pero wag kayong mag-alala. Nangako syang itatago nya ang sikreto ni Dasuri."

"Oh' talaga? Naniwala ka naman." I rolled my eyes.

"Tama si Krystal, mabait si Miss. Shin, Yes. Pero iba na 'to eh. Tapos connected pa sa mga idols. Alam nyo namang ang laki ng grudge nya sa mga yun. Hayst." For the first time. Nag-agree sakin si Soyeon.

"Hindi yan. Sigurado akong itatago nya yun. Para na rin sa kanya."

"Huh? Ano ulit yun? Hindi ko masyadong naintindihan yung huling part nang sinabi mo." para kasing binulong nya lang yun.

"Wala. Sige mauna na ko. May kailangan lang akong puntahan. Magsabay na lang kayo umuwi mamaya." Tumayo na sya't naglakad palayo samin. Kaya pala dala-dala na nya yung bag nya.

"Hey! Are you going to ditch our class? Himala." Bulalas ko. Parang hindi sya yung mabait na Amber kapag ginawa nya yun. May sakit ba sya? Hindi sya huminto pero nilingon naman nya ko.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon