CHP28: Love Cycle

3.4K 97 3
                                    

"Its better to get hurt than to be fooled." -KRIS

**

KEVIN POV

"Ikaw pala yung asawa ni choco? Nice to meet you. Ako pala si Kevin, first love ni Dasuri." Nakangisi pa ko habang nakalahad ang kamay ko sa harap ng asawa ni choco. Pansin kong medyo nainis sya sa paraan ng pagpapakilala ko.

Akala ko nga de-dedmahin nya ko kaya naman nagulat talaga ko ng abutin nya ang kamay ko. Mabuti na lang at nagawa ko yung itago.

"Kai." Tipid nyang sagot. Pasimple kong tinignan ang relo ko.

"Naku! Masyado kong nadala sa mga pangyayari. Hindi ko tuloy namalayan na oras na pala para umalis ako. Pano choco, hanggang sa susunod na lang?" yumuko ako para maging magkalevel kami. Bulilit pa rin kasi hanggang ngayon ang babaeng 'to. Haha.

Kinurot ko pa yung tungki ng ilong nya habang nakatitig sa kanyang mukha. Halatang naiilang sya sa ginagawa ko. Pasulyap-sulyap kasi sya sa asawa nya. Lihim tuloy akong napangiti.

"Ah. S-sige. Ingat ka." Sagot nya. Umayos naman ako ng tayo at hinarap si Kai.

"Sana magkausap tayo kahit minsan lang. Marami kasi akong gustong sabihin sayo." Sinulyapan ko muna si Dasuri saglit bago muling magsalita. "Tungkol sa babaeng importante sa ating dalawa."

Nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Mukhang naintindihan nya ang ibig kong sabihin kaya tumango sya. Nagpasalit-salit naman ang tingin samin ni Dasuri. Hindi nya siguro naintindihan ang pahiwatig ko. May nagagawa rin pa lang maganda ang pagiging slow nya. Haha.

Ginulo ko na lang yung buhok nya sabay pasok na sa kotse. Nakita ko pa syang kumaway bago ko tuluyang makalayo sa pwesto nya.

Mukhang huli na talaga ko.

**

KAI POV

"Bye oppa! Ingat!" tumalikod na ko't naglakad palayo. Hindi ko na hinintay si Dasuri. Mukhang busy pa syang kawayan yung first love nya. Makaistorbo pa ko.

"Kai! Sandali!" hindi ko sya nilingon pero binagalan ko ng kaunti ang lakad ko.

"Kai, talaga bang magkikita ulit kayo ni oppa? Gusto ka daw nyang makausap eh." Hindi ako sumagot. Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad pabalik sa loob.

"Hoy, Kai! Kausapin mo naman ako. Nagtatanong yung tao eh."

"Magkikita ba ulit kayo? Sama naman ako." Huminto ko pagkarinig na pagkarinig ng sinabi nya. I faced her with a disgusting face. Mukha naman syang nabahala dahil dun.

"B-bakit?" mautal-utal nyang tanong. Tinitigan ko naman sya mula ulo hanggang paa. Marami pa rin pala talagang lalaki na mahilig sa isip batang babae. Hindi ba nila alam na naghahanap lang sila ng sakit ng ulo?

Pinitik ko ang noo nya. "Hubby not Kai, remember?"

"Aray!" sinapo nya yung parte ng noo nyang pinitik ko. "Ang sakit nun ha? Ikaw kaya pitikin ko. Tss."

Inirapan pa nya ko pagkatanggal nya sa kamay nya. "Wala naman kasi tayo sa bahay. Mamaya may makarinig pa tapos ako sisihin mo. Diba sabi mo dati mag-ingat ako? Tapos ngayon, nang-aaway ka." Para syang batang nagrereklamo dahil dinaya sa laro. Nakacross-arm pa sya habang panay buga ng hangin. Ang baliw talaga ng babaeng 'to.

Pero tama sya. Bakit ko ba nakalimutan yun. Sikreto nga lang pala ang tungkol sa kasal namin. Isang sikretong hindi dapat mabunyag.

Pinagmasdan kong maigi si Dasuri. Pano kung dumating ang panahon na kailanganin kong mamili? Ang sikreto ko o si Dasuri? Hahayaan ko ba syang masaktan para lang hindi masira ang pangarap na matagal kong iningat-ingatan? O makakaya kong ipagpalit ang lahat makasama lang sya?

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon