CHP36: Lambingin Kasi

4.3K 121 6
                                    

"Hindi ka papahalagahan ng isang tao kung alam nyang nandyan ka lang lagi sa tabi nya." -RADIO

**

DASURI POV

"Sinusundo na kita. Wifey."

Nabitawan ko yung baso dahil sa gulat. Narinig ko ang pagkabasag nito pero hindi ko nagawang kumilos. Masyadong occupied yung utak ko. Totoo bang si Kai 'tong nasa harapan ko?

Kumurap-kurap pa ko para makasigurado. Gosh! Sya nga! Ano nang gagawin ko?! Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Naghanap ako ng bagay na pu-pwedeng pagbalingan ng atensyon. Gusto kong iwasan yung tingin sakin ni Kai. Hindi pa ko handang kausapin sya. Matapos ang lahat! Tsk. Nahagip naman ng mata ko yung nabasag na baso kaya umalis ako mula sa upuan.

"Lagot! Nakabasag ako." umakting ako na parang hindi sya nakikita.

Lumuhod pa ko para pulutin yung mga piraso ng basong nabasag. Nung akmang aabutin ko na ang mga iyon may bigla namang humawak sa kamay ko. Napahinto tuloy ako dahil 'don.

"H'wag mong hawakan. Masusugatan ka." Rinig kong sabi nya. Hindi ko sya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Hindi ko sya naririnig. Wala sya sa paligid. Wala.

"Aray!" reklamo ko nang mahiwa ko sa daliri. Nabitawan ko yung mga parte ng basong naipon ko na. Tinignan ko yung dumudugong daliri ko. Nagulat naman ako ng may biglang humablot nito.

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Nasugatan ka tuloy. Patingin nga." Kinuha nya yung kamay ko at inusisa 'to. Naglabas din sya ng panyo para punasan yung dugong lumalabas sa daliri ko.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha nya. Nakakunot ang noo nya pero bakas dito ang pag-aalala. Kanino? Sa'kin? Pero bakit? Ibinaba ko ang tingin ko sa kaliwang kamay nya. Medyo nagulat pa ko nang makitang suot-suot nya yung wedding ring namin.

Bakit hindi nya parin tinatanggal 'yon? Wala rin namang halaga sa kanya yung kasal namin.

"Kailan ka ba matututong sumunod sakin ha? Lagi mo na lang akong pinag-aalala."

Muli namang bumalik sa ala-ala ko ang huling sinabi ko sa kanya.

"Kai.. M-mahal mo ba ko? A-ako kasi... mahal na mahal kita."

Naramdaman ko na naman yung sakit na pinaramdam nya sakin. Naglakas loob akong aminin sa kanya ang nararamdaman ko pero anong ginawa nya? Wala man lang syang sinabi kahit isang salita. Ang mas masakit pa 'don hindi man lang nya ko nagawang pigilan.

Tapos ngayon kikilos sya na parang nag-aalala talaga sya sakin? Na parang ako pa ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan?! Hindi na ko nakapagpigil. Hinila ko ang kamay ko't tumayo.

"Ano bang ginagawa mo dito?" malamig ang tonong ginamit ko. Nagulat sya saglit dahil sa inasal ko. Tumayo muna sya bago ko sinagot.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tinitigan ko sya sa mata.

Gusto kong malaman nya kung gaano ko kagalit sa kanya. Akala nya ba mapapatawad ko na lang sya ng ganoong kadali? Ha. Nagpapatawa ba sya?

"Sorry, pero hindi pwede." matigas kong tugon.

Inihakbang ko na yung paa ko para makaalis na sa harap nya. Hindi na ko ganun Katanga kagaya ng iniisip nya. Hindi na ko magpapauto pa sa kanyang muli. Masyado syang sinuswerte kapag ganun.

Paalis na ko sa harap nya ng tuluyan nang muli na naman nya kong pigilan. Hinawakan nya yung kamay kong may sugat.

"Dasuri, please... let me explain." Ilang segundo pa ang lumipas bago ko sya lingunin. Blanko lang ang emosyong ipinakita ko sa kanya.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon