CHP20: HELL FOR DASURI.

5.5K 133 5
                                    

"If you love a person, you will be patient enough to wait. But if the person does not care at all.. wait for your heart to give up voluntarily.."

 

NOTE:

Dedicated to @Meowssy..

Talagang tumaba ang puso ko sa message mo sakin. Tenkyu! Tenkyu! Please keep support SMTMB. Dahil sa mga katulad mo kaya ko namomotivate magUD eh. Sana dumami pa yung katulad mo. Kekeke~

Enjoy Reading~ :)

**

AMBER POV

Ako lang ba o talagang ang bigat ng atmosphere sa paligid namin ngayon? Parang may nagbabadyang bagyo. Kanya-kanya kasi ng mundo ang mga tao ngayon. Si Chen at Soyeon, hindi na nagpapansinan simula nang bumalik sila galing sa pangunguha ng mga kahoy. Eto namang si Kai, nababalot ng kadiliman ang aura mula nang dumating. Nagtaka pa nga ko kasi hindi nya kasama sila Dasuri nung bumalik sya kanina. Tapos wala na din yung posas sa kamay nya.

Nang dumating naman na sila Dasuri, hindi ko na 'to makausap ng matino. Dahil bukod sa nagiiwasan din sila ni Kai. Mukhang problemadong-problemado din ang loka. Sumasakit na tuloy ang ulo ko kakaisip kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit sila nagkakaganyan.

Napansin kong tapos nang kausapin ni manager Jin si Krystal kaya sinubukan ko syang lapitan. Itatanong ko na lang siguro sa kanya kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila kanina. "Krystal, may itatanong ako sayo."

"Wag ngayon Amber, wala ko sa mood makipagdaldalan. Humanda talaga sakin yung dalawang yun. I will send them to hell." Dire-diretsyo lang itong naglakad papunta sa kusina. Ni hindi nga nya ko nilingon. Tsk.

Wala na kong nagawa kundi wag syang sundan. Mukhang wala naman akong mapapala sa kanya. Inikot ko na lang ang paningin ko sa paligid at naghanap ng taong pwedeng makausap ng matino. Sakto namang pababa ng hagdan si Kai.

"Kai sandali." Tawag ko sa kanya pero hindi nya ata ko narinig dahil nagpatuloy lang sya sa paglalakad palabas ng bahay. Susundan ko pa sana sya nang biglang may humablot sa kaliwang braso ko. Nilingon ko yung taong yun at nakita ko si Suho.

"Wag. Mas mabuti kung hahayaan muna natin syang mapag-isa." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Napansin nya siguro yun kaya muli syang nagsalita. "I don't know what happen to them pero mukhang hindi talaga maganda ang mood ni Kai ngayon. Kaya kung may gusto ka mang itanong sa kanya, hindi ito yung tamang panahon para gawin yun."

Nakuha ko naman agad yung gusto nyang iparating kaya tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. Binitiwan din naman nya yung braso ko pagkatapos nun. "Sige, pupuntahan ko lang yung iba." pagpapaalam nya.

Mukhang kilalang-kilala na nila ang isa't-isa. Kahit kasi hindi nagsasalita si Kai tungkol sa saloobin nya. Napansin pa din nilang bad mood ito. Sabagay, ilang taon din ba silang magkakasama mula pa nung trainee pa lang sila.

**

CHEN POV

Shete! Bakit parang nagguilty ako sa mga nasabi ko kay Soyeon kanina? Letche plan naman oh! Malakas lang akong mantrip pero hindi naman ako ganun kasama, inuusig tuloy ako ng konsensya ko ngayon. Tch.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon