CHP15: Uy.. Selos. kekeke~

5.7K 130 1
                                    

"Jealousy is.. LOVE?!"

 

**

DASURI POV

Buti na lang talaga mabait si Amber pinatakas ako. Hahaha! Kung si Soyeon yun.. nakuh! Malabo. Lalo pa't bitter-bitteran ang lola nyo ngayon.

"Uhh. Miss? May kailangan po ba kayo sa exo?" sabay kalabit ko dun sa babaeng nakasilip sa practice room nila Kai.

"Huh? Umm.."

"YURI NG SNSD?? IKAW NGA! WAAH! IDOL PO KITA——-MMMPH!!"

"Ssh. Ako nga si Yuri. Pero wag kang maingay please..." sabi nya pagkatapos takpan yung bibig ko. Hindi ko man maintindihan kung bakit nagnod padin ako kaya tinanggal na nya yung kamay nya.

"Bakit ayaw mong pumasok sa loob unnie? Gusto mo tawagin ko sila para sayo?" Papasok na sana ko kaso pinigilan naman nya ko.

"Wag na. Dumaan lang naman ako. Kailangan ko na ding umalis agad."

"Ayt. Ganun. Sayang naman." Nalungkot ako bigla. Pwede kayang magpapicture?

"So umm.. sino ka pala? Bakit ka nandito?" Tanong nya sakin.

"Ah kasi unnie.. P.A po ko ng EXO. Dasuri po name ko. Hihi." Nagbow pa ko sa harap nya.

"Talaga? Kung ganun.. pwede bang humingi ng favor?"

"Oo naman po! Basta po ikaw unnie!!" ang ganda nya talaga. Hindi ko mapigilang magdrools kahit pa babae din sya tulad ko.

"Thank you. Pwede bang bantayan mo para sakin si Kai?" Huh? Bakit si Kai? Inutangan ba sya ni Kai at hanggang ngayon ay hindi pa nagbabayad? Ayaw nya sigurong matakasan kaya pinababantayan nya sakin. Si Kai talaga. Gano kaya kalaki utang nun? Hmp.

Nagulat ako nang bigla nyang hawakan yung kamay ko.

"Please.. Tatanawin ko 'tong utang na loob pag pumayag ka. Gusto ko lang malaman kung ano nang nangyayari sa kanya kahit pa.. wala na ko sa tabi nya." Si YURI ng SNSD. MY ULTIMATE BIAS NA BABAE. HI-HINAWAKAN YUNG KAMAY KO?? Waaah!!!! Ubos dugo. Tapon lahat sa ilong.

Iba din kasi tama ko kay Yuri unnie. Sya kasi talaga ang Idol ko. Ang pamantayan ko nang pagiging perpektong babae. Pangarap kong maging sya.

"Oo naman. Payag ako unnie!" nangangatog pa. Hihi. Nginitian naman nya ko nang ubod nang tamis. Para kong nasa langit ngayon.. My Ideal Girl nasa harapan ko. Hinawakan pa ang kamay ko. Waaaaaah! HEAVEN!

"Sige, salamat. Mauna na ko. Sa susunod na lang ulit bye." Binawi na nya ang kamay nya sakin at nagpaalam. Nagnod naman ako kahit wala ko sa katinuan. Nasa cloud nine yummy pa ko eh.

Stranded pa din ako sa nangyari at walang balak magmove-on kung hindi lang may dumating na kampon ng mga Evil.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon