CHP17: Let's Start The Game

6.3K 128 3
                                    

"Relationship do not need promises.. terms.. and conditions. It just need two wonderful people; One who can TRUST and One who can UNDERSTAND.."

**

KAI POV

 

Kanina ko pa hinihintay si Dasuri dito sa sala nang rest house. Bakit parang ang tagal naman ata nyang bumaba? Bakit pa kasi ako tinawag ni Hyung. Sasabihin lang palang bantayan ko si Dasuri. Wag ko daw hahayaang dumiskarte si Kris. Tss. Kahit hindi nya sabihin, gagawin ko talaga yun. Asawa ko kaya yun. -__-

Napagpasyahan ko na lang na bumalik sa kwarto namin kesa naman mabulok ako dito. Nang makarating ako sa second floor nakasalubong ko si Kris. Huminto naman kami pareho nang magkalapit kami.

"Asawa ko na sya. Wag kanang dumiskarte." Sabi ko habang hindi man lang sya nililingon. Nasa gilid ko kasi sya.

"Asawa mo lang sya sa papel Kai. Hindi mo pa din pagmamay-ari ang puso nya." Tinitigan ko sya nang masama. What the hell is he trying to say? Nginitian naman nya ko na puno nang pang-aasar.

"Maghintay ka lang.. makukuha ko din sya sayo." Binangga nya muna ko bago tuluyang maglakad. Wala talaga syang balak tigilan si Dasuri. Pinaiinit nya talaga ang dugo ko.

**

SOYEON POV

 

DREAM COME TRUE!! NASA HEAVEN NA BA KO?? Ang mayamang Leader nang EXO-K. N-Nasa harapan ko? OH MY! OH MY!! Buhay pa ba ko? *3*

Nandito kasi kami ngayon sa labas nang rest house na pinuntahan namin nang EXO. Ayiiee. Ang ganda nga dito eh, may malapit kasing dagat dito. Para syang beach pero private property sya.

"Annyeong Hasaeyo! Ako po si Park Soyeon. Fan nyo po ko suho oppa." Nagbow ako sa harap nang aking pinakamamahal na bias. Ngayon lang ako nakalapit sa kanya ng ganto. Kinikilig ako. Ha-ha.

"Ohh. Hi. Soyeon. Salamat sa pagsuporta." Hinawakan pa nya ko sa balikat sabay ngiti. Nagningning naman ang aking mga mata. Grabe toh! Heaven talaga!!

"it's my pleasure oppa.." *u*

"Bitawan mo sya hyung. For sure, sasaeng din yan." Tinanggal ni Sehun yung kamay ni my loves. Langya! Panira to ah?

"YAH! ANO BANG PROBLEMA MO? KAUSAP BA KITA?" sigaw ko sa evil maknae na to. natawa naman si my loves sa sinabi ko. Kaya naging mahinhin ulit ako.

"A-Ah. Wag ka kasing basta sisingit. Hehe." Malambing kong sabi.

"Boom. Basag!" singit nang isang unknown specie. Sino ba yan?

"Sino ka naman?" balik na naman ako sa pagiging mataray. Ang bipolar ko noh? Haha!

"AKO? TINATANONG MO TALAGA KUNG SINO AKO? ANG SIKAT NA SIKAT NA LEAD VOCALIST NANG EXO-M. PINAGKAKAGULUHAN SA CHINA. TINATANONG MO KUNG SINO??" Gulat na gulat nyang tanong. Mas adik pa ata sakin to eh. -__-

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon