CHP42: Dasuri vs. Kai

4.7K 114 9
                                    

"Nanay, Tatay, gusto ko tinapay. Ate, Kuya, gusto ko kape. Ang lahat ng gusto ko ay susundin nyo. Ang magkamali ay.. A-ANDERIN KO?!" (0__0)

**

DASURI POV

"Dasuri!!!"

"Whaa! Bumalik ka na din sa wakas. Namiss ka naming pagtripan." Bungad sa'kin nila Baekhyun and Chanyeol paglabas nila sa loob. Tss. Mga bully talaga.

Isa-isa na silang lumalabas, tapos na kasi yung guesting. Puro congratulations ang binubungad sa kanila ng mga staffs ng show. Sobrang taas daw kasi ng rating na natanggap nila. Natutuwa ko para sa kanila.

Sumunod namang lumabas si Sehun, tinignan nya lang ako saglit tapos inismidan na. Ashush. Sungit talaga 'non. Maya-maya nakita ko na si Kris na palabas. Hindi ko alam kung pano ba ko dapat kumilos kaya hinayaan ko na lang na sya ang maunang bumati.

"Long time no see, Careless girl." Napangiti ako nang marinig ang sinabi nya. Ngayon na lang ulit kasi nya ko tinawag na ganyan. Dahil na rin siguro sa pinagbawalan ko sya.

Lumapit sya sa'kin at ginulo ang buhok ko. "Nagustuhan mo ba yung kanta ko? That's the first time I dedicated a song to a girl. At sa isip-bata pang katulad mo."

"Hindi ako isip-bata!" reklamo ko. Lahat na lang ata sila ganyan tingin sa akin. Nakakainsulto ha.

"Whatever," umayos sya nang tayo at tinignan ako nang seryoso sa mata.

"Umm. Can I have a hug?" tanong nya. Nagdalawang-isip pa ko nung una. Papayag ba ko? Mukha namang walang malisya para kay Kris 'yon. Parang namiss nya lang talaga ko kaya gusto nyang magpayakap. Kaya lang kasi si hubby, napansin ko si Kai sa likod nya at tinanguan ako? Ibig bang sabihin nito pinapayagan nya ko? Hmm. Bahala na nga. Hindi na ko sumagot, ako na mismo ang yumakap sa kanya.

Mabuti na lang at nauna yung iba kaya kaming tatlo na lang yung naiwan dito. Ginantihan naman nya ko nang yakap, "Dasuri, I miss you badly. Pwede next time na gawin mo 'yon. Ipaalam mo naman sa'kin, nang hindi ako nag-aalala nang ganito." Bulong nya. I nodded for the answer.

Kumalas na sya sa pagkakayakap at kinurot yung kaliwang pisngi ko. "Sige, una na ko. I can sense that your husband want to kill me because of that hug. Gusto ko pang mabuhay nang matagal kaya mauuna na ko." biro nya pa. Tumawa naman ako nang mahina.

Pagkaalis ni Kris, may boses akong narinig sa gilid ko. Pag-angat ko ng mukha, bumungad sa'kin ang gwapong mukha nang asawa ko.

"Sa wakas, nasolo ko rin ang asawa ko." nakatingin sya sa'kin na para bang ang tagal nya talagang hinintay ang pagkakataon na 'to. Nakapamulsa pa sya habang nakatitig sa'kin. Tss. Pa-cool pa si Hubby.

Inismidan ko nga sya with matching crossed-arm pa, "As if naman na gusto mo talaga kong kasama. Kaninang umaga nga lang pinamigay mo ko kay Suho oppa. Psh."

Kakaasar sya, ang dali lang para sa kanya ang ipamigay ako tapos ngayon kung maka-acting sya kala mo nage-effort talaga syang makasama ko. Wooh! Kwento nya sa pagong.

"Nag-enjoy ka naman sa yakap ni Kris, quits lang tayo." sabi nya with a poker face. Biglang nagpanting yung dalawang tenga ko. Teka nga, anong gusto nyang ipahiwatig? Na ngangaliwa ako? ABA!

Hinarap ko sya habang nakakunot ang aking noo. "Anong ibig mong sabihin?!" iniiwas naman nya ang tingin sa'kin at tumingin sa malayo.

"Wala. Nag-giggle ka pa kasi pagkatapos 'non. Nakakaselos pala." Hindi ko masyadong narinig yung huling sinabi nya. Ang hina kasi. Tinaasan ko nga sya nang kilay.

"Diba tinanguan mo ko kanina?! Pinayagan mo kong gawin 'yon, tapos ngayon papalabasin mo na ako pa yung masama? Ako yung malandi? Aba! Hindi na tama 'yan ah. Katulad kanina, inutusan mo kong sumama kay Suho oppa, tapos ngayon magrereklamo ka na hindi mo ko nasosolo? Nawiwili kana! Kala mo nakakatuwa ka pa?! Hindi na ko susunod sa'yo. Promise 1000x period. No erase." Lalong dumoble yung inis ko nang makita ko si Kai na parang hindi nakikinig sa mga sinasabi ko. Nagawa pa nyang kunin ang cellphone nya at kalikutin 'yon. Anak sya ng buda!! Nananadya ba sya?! Grrr.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon