CHP55: Hold Me Tight

3.3K 89 1
                                    

"Right person, wrong time. Right time, wrong person. New person, old lies. Old person, new lies."

**

DASURI POV

Pagkatapos kong makita ang divorce paper namin ni Kai. Maraming katanungan ang nabuo sa aking isipan. Bakit meron sya 'non? Bakit sinadya pa talaga ni unnie ang bahay namin para lang ibigay 'yon kay Kai.

H-Hindi kaya tama lahat ng hinala ko? Tama lahat nang narinig ko?

"Kai, umamin ka nga sa'kin." Napahinto ako nang magsalita ulit si Unnie. Ano ba 'yung gusto nyang aminin ni hubby?

"May chances ba na magbago ang isip mo?" kumunot ang noo ni Kai at tumitig sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala. Baka lang kasi naisip mo nang mas gusto mo pa lang maging idol kaysa maging asawa."

Lumabas ako nang kwarto ni Kai dala-dala ang envelope na 'yon. Pumasok ako sa kwarto ko saka itinago 'yon sa drawer sa tabi ng kama. Napaupo ako sa kama at tinitigan ang drawer. Bigla namang bumalik sa aking ala-ala ang mga katagang binigkas ni Kai kagabi.

Oo, aaminin ko. Nanghihinayang ako sa mga bagay na binitawan ko. Hindi ko naman kasi mapipigil ang sarili kong hindi maramdaman 'yon. For Pete's sake! Pangarap ko 'yon eh! Buong buhay ko, 'yon lang 'yung hinangad kong makamtan. Tapos ngayong abot-kamay ko na sya saka pa ko bibitaw. Hindi ko kayang lokohin ang sarili ko na wala lang 'yon.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit.

**

KAI POV

"Mabuti naman at naisipan mo pang bumaba?" bungad ko pagkakita ko kay Dasuri pagkababa nya ng hagdan. Lumapit ito sa akin habang nakaupo ako sa sofa.

Hindi sya sumagot. Nakatitig lang sya sa'kin. Ibinaba ko naman 'yung tablet na hawak ko at saka pasimpleng kinuha 'yung paper bag sa gilid.

"Oh." Inabot ko sa kanya 'yon. Sinulyapan nya naman ito saglit bago ibalik sa'kin ang tingin.

"Ano naman 'yan?" walang gana nyang sambit. Medyo nainis ako sa kawalan nya nang interest sa ibinigay ko. Hindi 'yon 'yung inaasahan kong reaksyon nya. Tsk.

"Bumalik ka sa kwarto mo and wear that. Sa labas tayo kakain." Medyo cold kong sambit. Kinuha kong muli 'yung tablet at tinuon 'yung atensyon ko 'don.

"Okay," sabay lakad nya paakyat.

Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko. "Ano na naman bang hangin ang na-inhale ni Dasuri at nagkaganyan sya bigla? Psh. Damn that Mood swing."

After a minutes, palinga-linga na ko sa taas.

"Bakit ang tagal nya ata?" Naiinip kong sambit. Hindi na ko mapakali sa pwesto ko. Parang gusto ko na syang puntahan sa kwarto nya. Kaso ayoko rin namang pangunahan sya.

Hayst. I heaved a sigh, kinakabahan ako. Ano kayang naging reaksyon nya sa ibinigay ko? Nang marinig ko na ang mga yabag nya pababa ng hagdan. Nagmamadali akong bumalik sa dati kong pwesto. Kinuha kong muli 'yung tablet at umastang busy sa paggamit nito.

"Tapos na ko," rinig kong saad nya.

Bahagya akong ngumiti at dahan-dahang tumingin sa kanya.

"Sabi na nga ba bagay sa---WTF?!" bulalas ko nang makita ang suot-suot nya.

She's wearing a gray sweater on top. And above the knee black skirt that clearly show her legs. Nabitawan ko pa ang hawak-hawak kong tablet nang makita sya nang buo. Automatic ding nagsalubong ang dalawang kilay ko.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon