CHP13: Sorry na daw ! xD

6.3K 127 1
                                    

"Love is giving someone the ability to hurt you but trusting them not to.."

 

**

DASURI POV

 

EHH!!Kinikilig pa din ako sa sinabi sakin ni Kai kagabi. MY FEELS!! >///<

Never in my life na naimagine kong iaacknowledge nya na ASAWA KO SYA!! GEE~ ENEBEH!

"Asawa mo ko Dasuri."

 

"Asawa mo ko Dasuri."

 

"Asawa mo ko Dasuri."

Paulit-ulit kong binibigkas yung sinabi sakin ni Kai habang papasok sa room namin sa school. It's like a music in my ears. Lalala~

"Hoooy! Bulaga!" gulat sakin ni Soyeon ng nasa tapat na ko ng room namin.

"Ay! Asawa mo ko Dasuri! ANO BA! Wag ka namang manggulat." Saway ko sa kanya.

"Woah! Ikaw ah. Ano yung.. 'ASAWA MO KO DASURI'? issue yan ah!" Naku. Nakikichismis na naman 'to.

"Wala. Kalimutan mo na yun." Kahit naman sabihin ko sayo. Di ka pa din maniniwala. Kunyari pang magtatanong. Tss.

"Ayoko nga. ASAWA MO KO DASURI. ASAWA MO KO DASURI. ASAWA MO KO DASURI." Sigaw nya sabay pasok sa room.

"YAH! JOO GOO LAE?! (you wanna die?)" sinundan ko sya sa loob saka pilit na pinatitigil sa pagsigaw. Ang kulit!

"Anong issue yan?" tanong ni krystal pagkaupo namin ni soyeon. Wala na. Narinig na ng buong sambayanan ang sinabi ni Soyeon. Kainis. Kakailanganin ko na namang mag-isip ng palusot. Ano ba yan!

"Ayan ang tanungin nyo." Ngumuso si Soyeon para ituro ako. Tinignan naman ako nang dalawa.

"A-ah. ano.. ang mag-asawa ba nagbabayad ng utang sa asawa nya?" tanong ko. Naalala ko kasi yung tanong sakin ni Kai kagabi. Oo. Hindi talaga ko makamove-on. Ahehe.

"Ofcourse not! Mag-asawa na nga eh. Bakit sila magkakaroon ng utang sa isa't-isa? Since kinasal na sila, ano man yung pagmamayari nung isa, pagmamayari na rin nya." –Krystal

"Saka kung magkakautang man sila sa isa't-isa. Yun yung pagmamahal.. na dapat binabayaran araw-araw." Niyakap pa ni Soyeon yung sarili nya. Mukha syang baliw. Hahaha.

"Ewan ko sa inyo. Bakit ba puro pag-aasawa na yang iniisip nyo? Mag-aral muna kayong mabuti. Hindi nyo nga alam kung makakagraduate ba kayo ngayong taon eh. Tapos yan agad yung nasa utak nyo." Sermon samin ni Lola este Amber.

"Si Dasuri.." sabi nang dalawa habang nakatingin sakin. Ashus. Nilaglag pa ko! Pinandilatan ko nga sila ng mata. Sakto namang dumating na si Miss. Shin kaya umayos na kami nang upo.

"Ano na ang update sa project nyo. May progress na ba?" tanong ni ma'am. Nagkatinginan kaming apat. Lagot! Wala pa nga kaming nasisimulan eh.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon