Chp26: New Classmate

4K 97 9
                                    

"Love is blind amber, remember that." –MISS. SHIN

--

NOTE: 

Hi chingu! Eto na po yung award mo. Thanks for participating on my game. You are now officially part of SMTMB. Sana talaga magustuhan mo yung character mo. Ahihi. (^o^)v

**

DASURI POV

"Good morning class. Take your seat." Nagsisunod naman ang lahat at kanya-kanya ang upo. Maliban kay Soyeon na lumipat sa upuan sa harap ko. Nilingon pa nya sina Amber at Krystal bago ko harapin. Ano na naman kaya trip ng babaeng 'to? Naku. Baka itanong nya sakin yung tungkol sa comeback ng EXO. Hindi pa rin ba sya nakakamove on dun?

"Dasu! Hoy. Babae!" hindi ko sya pinansin. Kunwari busy ako sa pag aayos ng gamit ko. Pero makulit talaga sya at nagawa pa nya kong batuhin ng nakalukot na papel. Wala na kong nagawa kundi iangat yung tingin ko sa kanya.

"Bingi kaba? Kanina pa kita tinatawag. May problema tayo si ma'am---" hindi na nya natapos yung sasabihin nya kasi nagsalita na ulit si ma'am.

"Class, you have new classmate. Galing syang America at bumalik sya dito sa korea para maranasan ang mag-aral sa sarili nyang bansa. She can't speak hangul pero nakakaintindi naman sya nito. Be nice to her okay?"

"Hala. My new classmate tayo." bulong ko kunwari pero sinigurado kong maririnig ni Soyeon. Gusto ko kasing ipakita na hindi ako interesado sa sasabihin nya. Wala na tuloy syang nagawa kundi humarap na sa unahan.

"Aish. Mamaya na nga lang." sambit pa nya. Wooh! Success. Haha.

"Miss. Kim, you can enter the room now." Oh? Kaapelyido ko pa talaga sya? Lalo tuloy ako naging interesadong makita ang bago naming classmate. Magiging close kaya kami? Sana. Hehe.

Dahan-dahang pumasok ang isang babae sa kwarto namin. Nakauniform na sya kagaya namin. Mahaba ang kanyang buhok at straight na straight. Rebounded ang lola nyo. Napakahinhin din ng kilos nya habang naglalakad papunta sa unahan.Tahimik lang ang lahat at pinagmamasdang mabuti ang bagong estudyante. Palibhasa maganda kaya ganyan sila. Tss.

"Introduce yourself and tell us about your future plan." Naalala ko naman yung mga panahon na ako yung nasa posisyon nya. Ganyang-ganyan din yung sinabi sakin ni miss. Shin. Kaya nga nagkaroon ako ng chance na ipagsigawan sa lahat ang kagustuhan kong maging mabuting asawa ni hubby. Haaay! Kahit na pinagtawan ako noon ng mga loko-loko kong classmates, masaya talaga ko na nagawa ko yun. Ang bilis talaga ng panahon.. akalain mong P.A na ko ng Exo ngayon? Ahihi. Kinikilig ako.

Nagnod muna yung babae bago nagsimulang magpakilala. Nagbow din sya bago magsalita.

"Hello everyone. My name is Kim Yoon Soo. I'm a transferee from America and my future plan is to.. marry my bias, KIM JONG IN." abot tenga ang ngiti nya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Halos lumuwa naman ang mga mata ko at literal na bumagsak ang panga ko dahil dun. A-ANO DAW? BALAK NYANG PAKASALAN ANG HUBBY KO?!

EH ANAK KA PALA NG NANAY MO EH!! Umusok ang dalawang butas ng ilong ko dahil sa inis. Balak pa kong agawan ng koreanang hilaw na 'to.

"Uyy, parang nangyari na 'to ah? DE JAVU? PFFFT." Komento pa ng isa sa mga kaklase kong lalaki.

At ikinukumpara pa nila ko sa kanya? Hmp! Binalingan kong muli yung babaeng nakatayo sa harapan. Nakipagtitigan din sya sakin at talagang nginitian pa ko ng loka! INAASAR NYA TALAGA KO! GRR. Hindi na ko nakapagtimpi at marahas na tumayo.

"ANONG SINABI MO? BALAK MONG PAKASALAN ANG HUBBY KO?!" nagulat ang lahat dahil sa inasal ko. Pero wala na kong pakialam! Umalis ako sa pwesto ko at naglakad papalapit sa babaeng gustong-gusto ko nang balatan ng buhay.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon