CHP33: Tired

3.6K 120 5
                                    

CHAPTER THIRTY-THREE: TIRED

"Feelings are much like waves, we can't stop them from coming but we can choose which ones to surf."

**

DASURI POV

"Hello? Opo. Sige po pupunta ko." ibinaba ko na yung hawak kong cellphone. Si manager Jin yung tumawag. Tinatanong nya kasi kung maari daw ba kong maglinis ulit ngayon sa dorm ng Exo-K. Pumayag na ko. Mas mabuti na siguro yun aleast doon mapag-iisa ako. Mapag-iisipan kong mabuti ang mga dapat kong gawin.

"Pero Dasuri, isipin mo naman yung sarili mo. Hindi lang si Kai ang kailangan mo para mabuhay, hindi lang sya."

Napangiti na lang ako ng mapait nang maalala yung sinabi ni Amber. Kinuha ko na yung bag ko mula sa lalagyan nito. Sinulyapan ko pa saglit sila Amber na nakatingin sakin. Iniiwas ko na yung tingin ko at saka lumabas ng room.

Mali sila. Sigurado ko.

@EXO-K DORM

Pinindot ko na yung password ng pinto nila Kai. Wala ko sa sariling binuksan ito. Medyo nagulat pa nga ko nang may makitang mga sapatos sa sahig. May tao? Hinubad ko na yung suot-suot kong sapatos saka dahan-dahang pumasok.

Papunta pa lang ako sa sala nang may marinig na akong boses ng dalawang lalaki. Pinakinggan ko ang pag-uusap nila. Pilit kong kinikilala kung sino ba ang mga 'to?

"Do you love her?" tanong ung isa. Napahinto ko sa paglalakad. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Familiar sakin yung boses.

"I'm asking you. Do you love Dasuri?" Si Kris.. sya yung lalaking nagtatanong at sigurado kong si Kai ang kausap nya.

Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Mas dumoble pa yung kabog nang dibdib ko. Ngayon ko lang naamin sa sarili ko na hindi pa ko handang marinig ang sagot ni Kai. Natatakot ako.

Pano kung tama si Miss Shin? Pano kung.. umaasa lang pala ko sa wala?

"This is nonsense." Sagot ni Kai sabay tayo sa kinauupuan nya. Pinigilan naman agad sya ni Kris.

"Answer my question, Kai." matigas nitong utos habang hawak-hawak si Kai sa kanang braso.

Biglang sumikip yung dibdib ko. Pakiramdam ko unti-unti akong nauubusan ng hininga.

Ganun ba talaga kahirap ang sabihing mahal nya rin ako?

"Hindi ako sumasagot ng mga walang kwentang tanong." Muli nitong sagot. Hindi na ko nakapagpigil. Lumabas ako mula sa pwestong kinaroroonan ko kanina. Halatang nagulat sila sa pagdating ko pero wala kong pakialam.

Tinitigan ko si Kai sa mata. Ayoko nang gawing tanga pa yung sarili ko. Sawa na kong tumakbo. Sawa na kong takbuhan ang mga katotohanang pilit na binabato sakin. Gusto ko na lang tapusin ang lahat. Ang sakit-sakit na kasi eh.

Ang sakit malaman na ikaw lang pala yung lumalaban para sa inyong dalawa. Ikaw lang pala yung, NAGPAPAKATANGA.

"Dasuri." gulat na sambit ni Kris habang unti-unting binibitawan yung braso ni Kai. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila.

Habang nakatitig ako sa mga mata nya, hindi ko maiwasang maalala yung mga panahong magkasama kami. Yung mga panahong gustong-gusto kong balikan.

"Ugh. Kai. Babayaran na lang kita mamaya."

"Wag na."

"Eh? pero.."

"Asawa mo ko Dasuri, ang mag-asawa ba nagababayad ng utang sa asawa nya?"

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon