Sinubukan niyang punasan e kaya lang nahiya naman ako kaya kinuha ko na lang 'yong tissue na hawak niya at ako na ang nagpunas.
"Ang tamis!" sabi ni Cee. Napatingin kami lahat sa kanya.
"Baka mapait, Kuya Cee," bulong ni Kenneth habang natatawa.
"Someone's being bitter here," bulong ni Phoebe na may kasamang ngiti.
"Is it too sweet for you, dude?" tanong ni Philip kay Cee.
"Ah, hindi, ayos lang naman, ayos na ayos," sabi ni Cee habang nakatingin sa ice cream niya. Ano'ng meron? Bakit bigla na lang sumisigaw?
"Sabi ko, mag-takeout tayo dahil mag-a-after party tayo ng birthday ni Mojow,"
"That's genius, yeah, we'll do that," sabi ni Philip.
"'Di na naman kailangan," sabi ko.
"Sounds like fun," sabi ni Phoebe.
"Dapat 'di mawawala ang spin the bottle," suggest ni Kenneth.
"Naku, thank you, ha?"
"You're welcome," sabi ni Philip.
Marami silang in-order, 'di kaya kami ubuhin at sipunin sa dami nito?
Maya-maya ay nagkayayaan na ring umuwi at pagdating namin sa suites ay nagsimula na nga ang after party para sa akin.
"Dahil ito ay party for Joan, I believe, she must have the first spin," sabi ni Phoebe.
Kinabahan naman ako bigla, ako talaga ang una, oh? Woooo!
"Oh, sige," sabi ko.
Bote ng tubig ang ginamit namin sa laro dahil 'yon lang ang meron kami. Napag-usapan na sa may takip ang pagbabasehan ng taya.
E 'di ako nga ang unang nag-spin kaya pina-ikot ko na. Excited na may halong kaba lahat habang umiikot 'yong bote.
"Phoebe!" sigaw ni Cee. Oo, kay Phoebe tumapat 'yong takip ng bote.
"Geez! Why, oh, why?" sabi niya. Napabuntong hininga pa siya.
"Truth or dare?" tanong ko.
"Hmm... I am daring so I'll go with dare," sabi niya. Natawa kami sa sinabi niya, grabe! Ang kulit!
"Dare? Okay, spell mo 'yong name ng sa tingin mo ay cute sa room na ito," hindi ganoon kasimple little girl.
"That's too easy," akala lang niya iyon.
"With your butt," dagdag ko. Napaka-epic noong mukha niya nang marinig ang twist ng dare.
"What?"
"Yes," nagtawanan lahat at kahit siya ay natawa sa reaksyon niya.
"Geez!" Halata na nahihiya siya about it pero support lang kami.
"Okay, here you go," sabi niya habang sinisimulan ang dare.
"Spell it, okay?" sabi ni Philip sa kapatid.
"C...." sabi ng lahat.
"E..."
"E..."
"Okay, done," sabi niya.
"Si Cee?" tanong ko. Obvious naman pero talagang nakuha ko pa na itanong. Hindi ko ba na-gets?
"Yeah, he's like super cute kaya," sagot ni Phoebe. Cute ba 'yan?
"Oh, my sister's having a crush on someone," pang-aasar ni Philip sa kapatid.
"Shut up, kuya! You're not helping. Geez!" saway ni Phoebe. Natawa na lang kaming lahat sa bangayan nila.
"Okay, okay, spin the bottle, Phoeb," utos ni Philip. Pina-ikot ni Phoebe ang bote at tumapat iyon kay Philip.
"Oh, god," bulong ni Philip.
"Ooh, it's payback time, brotha," pang-aasar ni Phoebe. Kahit ako kinabahan sa sinabi ni Phoebe dahil parang may balak siya na hindi maganda.
"Truth or dare?" tanong ni Phoebe.
"Truth," sagot nito.
"Dare na lang," si Phoebe. Halata sa itsura niya ang pagka-asar sa Kuya niya.
"No, I choose...truth," sabi ni Philip.
"Ah! You're so daya!" sabi ni Phoebe na naasar na talaga dahil hindi siya makagaganti sa pang-aasar dito.
"Come on, what's your question?" tanong ni Philip.
"Hmm... what was the real reason for your break-up with Ate Alex?" tanong niya dito.
Namula si Philip at halatang nadismaya sa narinig niya dahil napakunot ang kanyang noo upon hearing the question. Para bang bigla siyang may naalala na hindi maganda.
Kailangan na bang itigil ang laro?
"Okay ka lang ba, Philip?" tanong ko.
"Yeah, I'm okay," hindi man lang natinag si Phoebe sa naging reaksyon ng Kuya niya. Taklesa talaga ang batang ito!
"Kuya, you're so bagal. Can you just answer my question?" hindi komportable si Philip sa tanong pero pinipilit niyang hindi magpaapekto.
"It's as simple as she doesn't need me anymore,"
"Okay," sabi ni Phoebe kasabay ng katahimikan ng iba. Nakatingin ako kay Philip at bakas sa mukha niya na nalungkot talaga siya doon sa tanong.
'Di pa rin siguro siya nakaka-move on sa girl na 'yon.
"Okay, spin the bottle, p're," sabi ni Cee. Sakto naman na tumigil ang bote kay...
"Cee!" sigaw ni Phoebe.
"Truth or dare?" tanong ni Philip.
"Dare," sabi nito habang nakatitig sa mata ni Philip. Aba, daring din, ah!
"Okay, dude, kiss the girl on the cheeks who you think is pretty," sabi ni Philip.
Napatingin siya sa akin. So, sa akin siya lalapit? Hindi nga?
Tapos umiwas siya ng tingin at pumunta sa direksyon kung nasaan si Phoebe, hinalikan niya ito sa pisngi. Ewan ko, pero na-disappoint ako nang kaunti.
Akala ko kasi, ako 'yong maganda, I forgot may baby doll nga pala akong kasama.
Tiningnan ko si Phoebe, namula siya. Nanlaki naman ang mga mata ni Ken. Natawa si Philip sa nangyari kaya nakitawa na rin ako. Walang imik na bumalik si Cee sa puwesto niya.
"Geez! So, I am really pretty! Sorry, Joan, I own the night," sabi ni Phoebe.
"Totoo naman 'yon, Phoebe," sabi ko.
"You're so humble, I hate you! Just kidding, Joan,"
Tumawa na lang kami pero si Cee lang ang hindi tumawa. Problema nito? Himala yata, natahimik ang madaldal.
"Wait, the game is not over pa kaya. Spin it, Cee," sabi ni Phoebe. Ang daya ng CEEra ulo, tinapat talaga sa akin.
"Oy, ang daya!" napasigaw tuloy ako sa kadayaan ng Cee na 'yan. Nagtawanan lahat sa protesta ko.
"Well, basically, you're next," Sabi ni Philip.
"Fine," sabi ko.
"Noong una mo akong nakilala, na-gwapuhan ka ba sa akin?" tanong ni Cee.
Hala, ano bang klaseng tanong 'yan? Napatingin sila lahat sa akin at naghintay ng sagot.
"Hindi," sabi ko. Kahit ang totoo ay oo! Ang weird ko rin talaga e!
"What? Are you serious?" tanong ni Phoebe.
"Truth, 'di ba?"
"Okay," patay malisya si Cee at nawala ang ngiti sa mga labi.
--
Author's Note:
Vote and comment. Thank you!
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 16
Start from the beginning
