JOAN
Hating gabi na kami nakauwi ni Cee. Sumakit ang katawan ko sa biyahe pero ayos ang pamamasyal sa MOA dahil naging masaya kami.
Hindi ako na-bored kahit isang segundo dahil masayang siyang kasama. E paano CEEra ulo nga kasi kaya ang daming alam na kalokohan.
Hindi ko alam kung matatawa o ano ang magiging reaksyon ko noong balae ang tawagan ni Mommy at Tita Cherry kanina sa isa't isa.
Si Tita Cherry, inihabilin pa sa'kin ang mahal niyang anak, yaya lang ang peg?
Buti rin at malakas maka-trip itong si Cee dahil napadpad kami sa MOA. Sabi ko nga umuwi na kami dahil mahirap kapag nawala pero wala na rin akong nagawa dahil mukhang masaya naman sa MOA kaya sumama na ako. Ayos talaga dahil masarap mag-foodtrip, nabusog ako nang sobra.
At hindi ko malilimutan 'yong limang minuto na serious time na hiniling niya. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko noong sinabi niya sa akin na maganda ako at seryoso siya sa bagay na 'yon.
May kilig, oo, pero ewan ko ba, ang weird kapag galing sa kanya dahil nakilala ko siya na puro bola ang alam. At ang pinakahindi ako maka-move-on ay kay Sir dahil may boyfriend pala siya, hindi ako makapaniwala!
Kinabukasan ay lunes, oh e ano naman? Wala pa rin namang pasok dahil sem break ngayon.
Si Mommy ay dinatnan ko sa kusina na nagluluto no'ng bumaba ako. Tanghali na akong nagising dahil sa puyat, napagod talaga ako kahapon kaya hindi agad ako nakabangon.
"Hi, Mee," naupo ako sa tapat niya habang naghahalo siya ng nilulutong ulam.
"Oh, gising ka na pala," in fairness! Masarap ang tulog ko kagabi kahit pagod ang katawan. Nakangiti akong natulog dahil sa mga nangyari buong araw.
"Kumusta naman ang date n'yo kahapon?" Date? E hindi naman date 'yon. Naghatid lang kami sa airport at napadaan sa MOA, si Mommy talaga!
"Mommy, hindi 'yon date," sa itsura niya ay hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
"E 'di ba kayo lang dalawa?" nakita ko na ngumisi siya kaya natawa ako sa isip ko.
"O-mee!" tumawa siya nang tuluyan.
"Ang sarap no'ng brownies, ha?" kumagat pa siya at inabot sa akin ang box.
"Si Cee ang pumili nito," siya naman kasi ang may idea kung alin ang masarap sa hindi. Sinilip ko ang loob ng kahon at mukha nga namang masarap ang nasa loob.
"Mommy, tingnan mo 'to," ipinapakita ko sa kanya ang librong binili sa akin ni Cee kahapon.
"Binili mo?" Naku! Lalo niya akong aasarin ngayon.
"Bigay lang," natigilan ako dahil naisip ko na napapadalas na yata ang banggit ko sa pangalan niya at isa pa, may dumating na tao habang nagsasalita ako.
"Good afternoon," kilala ko ang boses na 'yon.
"My dear, si Philip," I know, Mommy.
"Hi, Tita! Hi Joan! How are you doing? I missed you," ngumiti siya sa akin kaya naman ganoon din ang ginawa ko bilang sukli.
Ang sweet! Napaka-vocal niya na sabihin na miss niya ako. Kagigising ko lang pero kilig agad.
"Okay lang naman, napadalaw ka?" Napapangiti na lang ako kapag siya ay ngumingiti.
"Oh, I just want to invite you to my cousin's wedding," wow! Meet the clan na ba ito? Paano kaya niya ako ipakikilala sa kanila? Naku! Baka English speaking sila lahat ah, duduguin ang ilong ko. Makahiram kay Belle ng dictionary!
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
