JOAN
"Nakarating din sa wakas," sabi ko pagkababa sa kotse nang tumigil ito.
Nag-unat ako ng katawan dahil sumakit ang muscles at buto ko sa loob ng kotse, nagputukan tuloy 'yong mga buto ko.
"Let's have lunch," sabi ni Philip.
"Yeah, I'm so hungry na rin e, the biyahe was so long," sabi ni Phoebe.
"Sorry ha, nadamay pa kayo sa problema ko," sabi ko.
"Don't mention it; this can be a dual purpose. We can search for your friend and stroll around," sabi ni Philip.
"Yeah, Kuya is right. It's been awhile na rin naman no'ng last time na we've been here,"
"Ah, salamat talaga sa inyo, ha?"
"Let's just eat, I'm starving," sabi ni Philip kasabay ang isang ngiti.
"Oh, sige, let's go to the nearest mall; I know, it's around here somewhere lang," sabi ni Phoebe.
Sumakay uli kami sa kotse at dumiretso sa nasabing mall. Sinubukan ko uli na tawagan ang cellphone ni Kenneth.
"The number you dialed is out of coverage area; please try again later," nag-dial uli ako baka sakaling makontak ko na. Ilang beses ko siyang tinawagan pero hindi talaga sumasagot.
'Di ko namalayan na nasa isang pizza place na pala kami a few minutes later.
"What do you want to have, Joan?" tanong ni Philip.
Hindi ako nakasagot dahil iba ang nasa isip ko.
"Kenneth,"
"Huh?" naguguluhang ekspresyon niya.
"Anything," sabi ko.
Naalala ko bigla si Cee. Dahil kung siya ang kasama ko ay siguradong mababara na naman ako ng isang 'yon sa pagkawala ko sa sarili.
Napatayo ako na para bang hindi ako mapakali at kailangan akong pumunta sa kung saan.
"Oh, where are you going?" tanong ni Phoebe.
"May bibilhin lang," sagot ko.
"Oh, I see," sabi naman ni Philip.
"Text me kapag ready na 'yong food," sabi ko sa kanila. At iniwan ang phone number ko.
"Sure, be back agad, ha?" sagot naman ni Phoebe.
"Sige," sabi ko.
"Do you want me to go with you?" alok ni Philip na agad ko namang tinanggihan.
Paglabas ko roon ay naglakad-lakad ako. Hindi kasi ako puwedeng mag-aksaya ng kahit isang minuto sa pag-upo, kung alam ko ang pinunta ko rito. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakikita si Ken.
Ngayon ay mas nangingibabaw ang pagiging kaibigan ko sa kanya.
Simula no'ng nag-decide ako na i-let go siya, mas gumaan ang pakiramdam ko.
Sarili ko rin talaga ang makatutulong sa akin. Ganoon naman siguro kapag lumilipas ang panahon at natatauhan ang tao.
Bawat sulok na mapuntahan ko ay hinahanap ko si Ken. Napakalawak ng lugar at nagkalat ang iba't ibang klase ng mga tao. Sana naman ay walang masamang nangyari sa kanya.
Maraming food chain, restaurants sa food court, kumakain ng samu't sari. Maraming mga stall na naglipana na nagbebenta ng kung ano-ano tulad ng gluta soap at pampasuwerte sa katawan. Napaisip ako bigla.
VOUS LISEZ
It Started with a McFLOAT
Roman d'amourNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
