JOAN
"Sige lang, laban pa," sabi sa kanta ni Quest na Sige lang.
Pero paano kung 'yong gusto mong ipaglaban ay hindi ka naman sasamahan? Itutuloy mo pa rin ba kahit mag-isa ka na lang?
'Yong nakakaasar na feeling na mahal ko siya pero hindi naman puwede dahil may mahal na siyang iba. Kahit masakit, kailangan ngumiti dahil ayaw kong maawa siya sa akin.
Tapos may nakilala naman ako na akala ko sisira na sa ulo ko pero 'yon pala, siya ang makakaintindi sa pinagdadaanan ko. Ang ironic, 'di ba? Ang dami ko pang gagawin pero itong mga bagay na ito ang naiisip ko.
Tumunog bigla ang phone ko, may nag-text sa akin kaya naman agad kong tiningnan.
FROM: UNKNOWN
Good evening, Mojow!😊
Aba, alam na nga niya ang number ko. So, number pala niya ang miniskol niya kanina, ang utak. O siya, replayan na.
TO: CEE
Good evening din, CEEra ulo.😂
FROM: CEE
Hahaha! Hindi ano! Uy, kain!😊
TO: CEE
Sige, kain lang, mamaya na 'ko, marami pa 'kong ginagawa.✨
FROM: CEE
Baka naman nag da-drama ka lang d'yan, tigilan!😂
FROM: ME
Hindi, ano!😝
FROM: CEE
Sus! Waste of time 'yan. Tumawa ka na lang magbu-burn ka pa ng calories! At isa pa, choice ang pagiging masaya, kung ayaw mo, hindi mangyayari at kung gusto mo naman, 'yon ang mangyayari.❤️
Napakunot ang noo ko. Oo nga naman, kung puwede naman maging masaya bakit ko ba pinipiling maging malungkot at isipin ang mga problema ko? Stupid me!
Marami naman puwedeng maging rason ng pagiging masaya ko, hindi lang siya. Hindi lang si bestfriend/ex.
FROM: ME
Ikaw Cee. Ako na naman ang nakita mo. Tigilan mo nga ako. 😂
FROM: CEE
Oh, sige na, titigilan na kita. S'ya nga pala baka naman may maganda kang kaibigan, ipakilala mo naman ako.😊
Ang playboy na 'to ay balak pang gawing biktima ang mga kaibigan ko. No way! Hindi ko maintindihan kung bakit may mga lalaking hindi kayang maging seryoso sa mga babae. Nakakainis lang na para bang feeling nila na walang damadamin ang mga babae kung makapagsabay sabay sila.
FROM: ME
Ikaw? Wag na oy. Baka lokohin mo lang.😂
FROM: CEE
Grabe ka naman, Mojow. Sabi ko naman sa'yo hindi ako manloloko.😊
FROM: ME
Kelan pa?😂
FROM: CEE
Since birth😊
FROM: ME
Sows😂
Kinabukasan ay busy ako sa kuwarto, nakahiga! Nang may biglang sumigaw mula sa sala.
"Joan!" tawag sa akin ni Mommy.
"Bakit, Mee?" tanong ko naman sa kanya.
"Nandito si Kenneth," napaupo ako. Hala! Bakit siya nandito? Akala ko ba wala munang kitaan? Tapos siya ang pumunta rito? Gulo yata talaga ang gusto ng isang 'to e.
"Nand'yan na," sigaw ko uli habang nag-iisip ng maaaring dahilan ng pagsadya niya dito.
"Bes!" sabi ni Kenneth nang makababa na ako sa sala. Nasa second floor kasi 'yong kuwarto ko.
"Oh, bes? Balita?" tanong ko sa kanya at naupo ako sa sofa katabi siya.
"Kailangan nating mag-usap," O-kay? Mukhang urgent! Ano kayang meron this time?
"Oh, ano'ng meron?" kinakabahan ako sa sasabihin niya at baka kung ano naman ang demand ni Cheska. Ano nga kaya? Na kalimutan na ako ni Kenneth? Na mag-pretend siya na patay na ako? Tipong hindi niya ako nakilala ever? Hmm...
"Ah..." hindi siya makapagsalita. At napansin ko na hindi siya mapakali kaya naman huminahon ako at tinanong ko uli siya.
"May problema ba, bes?" kahit pasabog na ang utak ko sa mga posibilidad na puwede niyang sabihin ay mahinahon pa rin ako.
"Bes, buntis si Cheska," sa narinig ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Kung ano ba ang tamang reaksyon na ibibigay ko sa kanya. Ano nga ba ang tama sa mali?
Gusto ko siyang sigawan kung bakit nila 'yon ginawa e alam naman niyang wala pa siyang isusuporta sa puwede niyang maging pamilya. Sa loob ko, gusto kong magwala. Para akong pinatay sa nalaman ko pero kumalma ako at nagsalita.
"Oh, ano'ng problema do'n?" kalma lang Joan, kaya mong lampasan 'to, kalma ka lang.
"Hindi ko pa kasi kayang suportahan, bes," eto na nga 'yong sinasabi ko na 'wag gagawa ng bagay na hindi kayang panindigan dahil pagsisisi ang kahahantungan.
"Kaya 'yan, Ano'ng plano mo, bes?"
"Wala pa, naguguluhan ako, bes,"
'Di ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya sa ganitong sitwasyon. Kailangan ko ba siyang payuhan o hayaan ko siyang magdesisyon para sa sarili niya?
"Kaya mo 'yan. Kaya n'yo 'yan, pagtulungan n'yong dalawa ni Cheska, ninang ako, ha?"
At nakuha ko pa nga na magbiro sa ganitong sitwasyon kahit ang sakit marinig na magkakapamilya na ang taong mahal ko.
-------
Author's Note:
Vote and comment. Thank you!
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
